Nilinaw ni Gerald Anderson ang balitang may relasyon sila ng isang gay businessman na nagngangalang Edgar Mangahas. Ayon sa mga lumabas na report, si Edgar ang sinasabing gay benefactor ni Gerald. Binigyan pa nga raw ng isang condo unit ng gay businessman ang young actor.



"Nahihiya ako kay Kuya Edgar kasi inili-link siya sa akin. Wala po kaming relasyong dalawa. At wala siyang ibinigay na condo sa akin.



"Sa isang village [Montgomery Place] ako nakatira sa E. Rodriguez at hindi sa isang condo. Pero magka-village kami ni Kuya Edgar at kapitbahay ko si Archie [Alemania, his co-ABS-CBN talent]," paliwanag ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon cum press preview ng Maligno noong April 16 sa Studio 1 ng ABS-CBN.



Kung sinasabi ni Gerald na wala silang relasyon ni Edgar, how come na sa iisang village sila nakatira?



"Si Kuya Edgar kasi, kaibigan, di ba, ng manager ko? Sabi ko kay kuya Jun [Reyes], 'Medyo malayo po kasi yung bahay na tinitirhan ko, meron ka bang alam na puwede kong malipatan na malapit lang?' Ang ginawa ni Kuya Jun, nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan niya. Ayun, nakausap niya si Kuya Edgar. May bakante pa nga raw sa village nila kaya dun ako napunta," paliwanag ni Gerald.



Matagal na raw kilala ni Gerald si Edgar. Hindi pa raw siya pumapasok noon sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition ay kilala niya na ang naturang negosyante, na minsan ding na-link kina Diether Ocampo at Ahron Villena.



"Wala namang problema sa akin na makipagkaibigan sa mga bading," sabi ni Gerald. "Marami naman akong kaibigang mga bading, pero hindi naman lalagpas doon."



May naibigay na ba sa kanya si Edgar?



"Talent fee," sagot ni Gerald. "Si Kuya Edgar kasi, nag-o-organize ng mga basketball competition. Sabi ko sa kanya, ‘pag wala akong lakad o schedule, isama niya ako doon. Mahilig kasi ako sa basketball. So, ‘pag kinukuha niya ako, automatic, may TF ako sa kanya."



Bukod sa TF, wala na bang material na bagay na ibinigay sa kanya si Edgar?



"Wala na!" mabilis na sagot ng binata.



Paano kung bigyan nga siya ng condo?



"Hindi ko po tatanggapin," aniya.



Hindi ba siya napipikon na nali-link siya sa bading?



"No! Kasi parang, kumbaga okay din, e. Dahil tingnan ninyo... Si Diet, si Piolo [Pascual], si Sam [Milby]... Kumbaga, kahit may mga intriga rin sa kanila, nasaan sila ngayon? Alam ninyo yung ganoon? Kumbaga, sila yung idol ko, so okay lang," rason ni Gerald.



Paano kung matsismis naman siya na bading?



"Kilala ko yung sarili ko. Alam ko kung ano ako. Kung matsitsismis akong bading, tatawanan ko lang yung isyu," pagtatapos ni Gerald.



Kasama si Gerald sa bagong horror series ng ABS-CBN na Maligno. Katambal ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu. First mature role ni Gerald ang Maligno, kung saan gumaganap siya bilang isang cameraman.

Taken from pep.ph

Ang masasabi ko lang, kung may gay benefactor ka, edi bongga! Wahahahha! ALam mo kaya hindi naooffend sina Sam at Piolo? Dahil si Sam ay pumapatol sa bading dahil Bi sya at si Piolo, bading! Wahhahaha!