Nakuha ko na yung HP7 sa Succor. Hinihiram kasi yun ni Whel. Kanina pumunta sya sa house namin para kunin yon. Nagpromise sya nakakain sya ng isang mug ng ice cream sa bahay. Medyo conscious na yun sa weight nya. Vain kasi! Wahahahha!

Nung dumating sya, bumaba ako tapos ibinigay sa kanya yung HP7. As promise, kumain kami ng ice cream, nilagayan ko sya sa isang mug. Not just an ordinary mug, but a MUG as in MUG.

While eating, nagkwentuhan muna kami. Andami naming napagkwentuhan. about sa nursing. Mga medical terms. Excuse me! Doctor ang kuya ko! Nakakarelate ako sa mga pinagsasabi nya, not to mention eh halos ata buong batch namin sa HCCS eh nursing lahat! About kay Shelby, about kay Jeane shokpok, of course sneak peek about HP7, his rants, his aspirations, and many more.

Mas masaya kausap ang mga lalaki actually, kasi you will feel that he really trusts you. Ewan ko. Pero yun ang nararamdaman ko. Eh ang problema nga lang, most people namimisinterpret yung closeness ko sa guys, eh ang catch pah, crush ng bayan yung mga nagiging close ko! Wahahahha!

Ganun talaga ang life! Wahahahha!