Parang big time na talaga ko. Kanina kasi ang kausap ko ang Presidents ng 3 pinakamalaking university-wide org. Una si Cachi. Yung Bagong CSC President. Pinag-usapan na namin yung mag 1st stage ng summer classes. Kung paano yung mga teachers, Food, transpo, etc. Kung pano yung parallel classes sa July. Mga ganun, I underestimated him ah. Akala ko kasi wala syang paki sa Project kasi ang tagal nya akong ni-delay eh.

Sumunod naman yung president ng Pax Romana Central, si Vicxen. Education sya, major in Religion. At least wala na akong problema sa extra hour. Sagot na yun ng Pax Romana. Infairness, mas enthusiastic pa ata sya sa akin about the project; which is good, at least I'm sure na hindi mawawala yung flame of passion kasi 2 kaming nag-iistart nun.

Next si Ate Ruth, President ng Central Scarlet. Astig nga eh. PRO sya ng SIKLAB last year so wala na akong problema. Buti nalang nagSIKLAB ako at least madali nang kausap yung SCARLET. yun nga lang wala pa kaming makitang magiging ambag nila sa project.

yung STAUST naiinis ako walang response whatsoever. Kainis talaga sila.

Oh well, ewan ko lang kay Ate Marj Kung Bakit nahihirapan sya makipag-coordinate sa ibang orgs. Bakit naman ako parang andali kausap? yung STAUST naman kasi kaya ako naiinis kasi nagconfirm na sila eh. Ngayon namang kinokontak na sila hindi naman sila nagpaparamdam. Well anyway, wala naman sila rin naman atang matutulong. =D

Malapit na magjumpstart yung project! April 28, 2008! Yahoo!