3 araw na nung nagtampo ako sa dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko. Well, tampong bata lang naman yun. Mga simpleng bagay lang na importante saken. Napapaisip ako twing nangyayari ito sa buhay ko eh. Masyado kasi akong paranoid.

Isang boses ang nagsasalita ang sabi kaya nila sinabi yun dahil baklerj ako. Kahit anong gawin ko, bakla pa din ako hindi magbabago yun. Pero pilit ko pa rin pinapaintindi sa sarili ko na hindi yun ang dahilan. Kilala ko sila alam kong tanggap nila ako. Natatalo nako nung boses na yun. Sila kasi ang pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat, sila pa yung hindi ko maasahan. Parang its André all over again.

Haaaay, ganito talaga ang buhay bading, tamis asim. Hindi mo nga lang malalaman kung kelan mo malalasahan nag bawat isa. Minsan sabay pa. Pero kahit ganun, ang sarap pa din mabuhay! Hay! Hay!