Trailer

Nalorkalorka naman ako movie kagabi sa QTV-11! Revelations ang title! Madugo yung simula! Biro mo yun, binalatan yung tatay ni Jake, yung bida. Yung pagkabalat ang intricate! Yung buong mukha nya maayos! Talagang parang binuka lang mula sa likod! Asteg! Pero yun nga lang, its so creepy pag titignan mo! Pero infairnalou, ang gwapo ni Jacob Martel! Naaalala ko si Chris Tiu sa kanya.

Ang story nung Revelations ay parang loosely base dun sa Revelations about the 2nd coming of Christ. Sinama pa nila yung mga secret societies like the masons. Pero mas kagimbal gimbal ang story dahil sa Knights Templar. Para silang sindikato na kumokontrol sa lahat ng mga bagay. Science, Church, Government, etc. TRIVIA: Ayon sa movie, yung best Alchemist daw ng panahon nya ay si Sir Isaac Newton. Isa syang member ng Order of the Templar Knights. Sideline nya lang daw yung pagdiscover nya nung 3 laws of motion. Chos!

Hindi ko na ikwekwento yung movie, basta panoorin nyo nalang. Ako, gusto ko panoorin yan sa VCD or sa DVD. Meron kasing mga ni-cut na scenes, lalo na yung scene na nagsex si Jake si Mira. Meron kasing secret chuvalou na nangyari habang nagsesex sila. Bukod pa dun, parang ang sexy tignan ni Jacob Martel habang naghuhubad ng damit! Rarrrrrrrrrr! Wahhahahahah!

Maganda siguro kung gagawin nilang game sa PS or sa Computer yang movie na yan. Lalo na kung hihirapan nila yung mga puzzles. Shet! Bibili talaga ako nyan!

Ayoko lang yun ending. Chaka! Pero in general lagi akong pinapakaba at pinapaisip ng movie na ito. Kaya still I would give it a thumbs up!

Napag-alaman ko na ang pangalan pala ng papang actor na gumanap na Jacob Martel ay James D'arcy. Kaso wai ako mahanap ng pic nya na malaki o kya topless! Kaya kelangan ko talaga mapanood yung Revelation sa VCD or DVD. Infairness, puro horror yung film na lagi nyang ginagawa. Kasali daw sya sa Fallen. Excited nako mapanood yun!


Photobucket
Sya daw si Sherlock Holmes sa movie na yan! Bongga!

Photobucket
Photobucket
Ang charming talaga nya! OMG! ang cutie talaga!


Meron silang website. Malalaman mo yung mga things about the movie. Eto yon!