Nung nasa ROSE online computer shop kami ni Albert. Accidentally ko syang natawag na Alberchie. Nagulat din talaga ako. Hindi ko rin maisip kung pano ko nasabi yun.

Dahil, Yun, Yun ang pangalan ng lalaking malapit sa puso ko.
Yun ang pangalan ng lalaking pinahalagahan ko ng sobra.
Yun ang pangalan ng lalaking sinaktan din ako ng sobra.
At yun ang pangalan ng lalaking naging dahilan kung bakit ako si Wilberchie ngayon.

Alberchie, Yun yung pangalang tawag ko sa kanya… dati

Kina Nior. Tinawag ko din sya ulet na Alberchie. Pero parang iba na yung tunog. Parang pilit na. Parang hindi sya galling sa puso. Parang walang lambing. Hindi katulad nung bigla ko syang nabanggit nun sa ROSE. Parang… patay.

It just doesn’t sound right. I don’t know why I’m making a big deal out of this but it just bothers me that much. Hindi ko alam. Siguro dahil gusting gusto ko syang tawaging Alberchie ulet. Pero parang hindi na katulad ng dati. Hindi na mabablik ang dati. Kaya kahit tawagin ko pa syang Alberchie ulet. Yung Alberchie na pinahalagahan ko, hinding hindi na babalik saken.

Shet Emo!