Photobucket


Kanina sa Studio 23, pinalabas yung free TV premiere ng Beautiful boxer. Wala namang ibang palabas kaya pinanuod ko na din sya. Story sya ng isang bading na naging Muai Thai Kick boxer. Nung una para lang sa family nya, but in the end ginagawa na nya yung fighting sport for "herself".

May mga favorite scene ako sa movie.
Yung binugbog nya yung si Nat, yung boylalou na crush na crush nya, sa ring. Dati nyang kasama sa group si Nat. Gwapo naman kasi talaga si ekek.
Photobucket

Hindi ko din masisisi si bakla. Ganto kasi nangyari, nag-iba ng coach itong si Nat. Tapos, prior to their fight, nakipagkita si otoko sa ating bida. At humingi ng favor na magpatalo si bakla sa laban nila. Kesyo kelangan daw nya ng pera dahil maysakit ang kanyang ina. Sa fight, napansin nung coach ni bakla na hindi sya lumalaban. Sinabi ni bakla ang dahilan. Buti nalang at pinabulaanan ito ng kanyang coach. Saying na nung isang buwan pa namatay yung mom ni Nat. Ayun, sa galitni bakla, binugbog nya ang sinungaling na lalaking yon! It's kinda symbolic for me. Dapat talaga meron nang line na ganun sa buhay ng mga bakla. Hindi tamang may magsinungaling sayo! At dapat turuan ng leksyon yang mga manlolokong lalaking yan!
Photobucket