Nabigla kaming lahat sa classroom kagabi nung walang dalang projector yung prof namin na si Dean Abet. Mega introductory speech nya: "As you can see I don't have any projector with me because we're going to do a surprise recitation. So as to check if you're ready for the quiz on Tuesday and for give chance for you to earn CPs." Kumabog ng bonggang bongga ang puso kong sugatan sa nerbyos grabeh! Diba nga hindi ako nagpapapasok sa subject na ito dahil sa excess baggagge ko?

Bawat magsasabi si Sir ng name super mega kaba ang inaabot ko. Alam ko kasing wala akong masasagot sa kanya. Panay nga tingin ko sa wristwatch ko para lang tantyahin kung ilang minutong kaba pa ang pagdadaanan ko. Buena mano si Ives. At sunod sunod na yun hanggang sa natapos yung isang problem dun sa handout ni Sir. Tapos gumawa sya ng extra question, pinalitan ng konti yung ibang data, tapos wag daw sagutin yung graphical method. Nyeta! Yung graphical nga na madali hindi ko alam pano pa yung analytical???

In the end hindi rin nya ako natawag. Napansin ko lang yung mga tinawag nya yung mga hindi naman nya masyadong naeencounter or kilala. Meron lang mg ailang instances na may nagtataas ng kamay para tawagin sila. Pero in general, mas focus sya din sa hindi nya kilalang students. I think naman kilala naman nya ako kasi lagi nya akong nakikita sa ChE Faculty. Hihi! Pag-aaralan ko talaga tong topic na ito. Sisiguraduhin kong mataas ako sa quiz!

Photobucket