Teaser
Kumukutitap ang paligid. Animo'y mga bituing bumaba mula sa langit upang bigyan kasiyahan si Wilberta na nakatayo sa gitna ng hardin. Mula sa likod niya, lumumabas ang isang matikas na lalaki. Dahan dahan itong lumapit sa kanya at siya'y niyapos. Iniharap sya nito, at nilapit ang kanyang mukha sa kanya. Isang matamis na halik ang ipagkakaloob sa kanya ng lalaki. Palapit na ang kanilang mga labi. "Wilberta... Wilberta... Wilberta..." Palakas ng palakas. "Wilberta! Wilberta! Wilberta!" Sigaw ng lalaki. Hanggang sa may kumalabog...

"Wilbert!", bumalik sa katinuan ang baklang Wilberta. "Wilbert! Nananaginip ka na naman sa klase ko!", sigaw sa kanya ni Ms. Choocama. "Isang beses pa na mahuli kitang wala sa sarili malilintikan ka saken!" dugtong pa ng sermon. "Sori po Ms! Marami lang po talaga akong pangarap na iniisip." "Hindi ka pa nga tapos ng high school eh, sa susunod na yan!" "Opo Ms." at isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.