Photobucket
December Avenue


kagabe, hindi ako makatulog. Dahil na din siguro sa nakatulog ako ng mga around 11am - 12nn. Kakatapos ko lang maligo nun. Kasi dumating yung mga friends kong sina Jebs at Juancho sa bahay at tumambay buong maghapon, kaya mga 11pm nko nakaligo. Mga 12 MN, dahil hindi nga ako makatulog, binuksan ko na lang yung TV. Wala na din palabas kaya nilipat ko nalang sa Studio 23 dahil alam kong Myx ang palabas ng mga oras na yun. I normally don't watch Myx Live kasi minsan talaga hindi ko gusto yung mga guest bands/artist nila. Pero since wala ngang ibang palabas, sa isip ko, pagtyatyagaan ko nalang. Naloka ako nung sinabi ni Jett Pangan na "For the 1st time ever, myx live is going to feature not 1, not 2, not 3, but 4 bands! We have Drip, Salamin, December Avenue, and The lines divide."

Napasigaw ako nung narinig ko yung December Avenue. Para akong nakakakita ng multo dahil tili talaga ako ng tili ng alas dose ng madaling araw!

Fan nako nila nung napanood ko sila noon sa NU underground band fest na sponsored dati ng Musikat at invited ang SIKLAB Members. Ang pangalan pa nila nun ay Sense of Sound pa. Pero kahit nagpalit pa sila ng pangalan, I still love their music type.

Listen to their songs in this Myspace playlist.
http://www.myspace.com/decemberave/music/playlists

Fav ko yung I believe in Love! wihi!



Photobucket