Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa kantang I don't want to wait ni Paula Cole? Kung hindi mo alam, malamang wala ka pa sa mundo nung pinalabas ang series na...
Photobucket
from left Michelle Williams, James Van der Beek, Joshua Jackson, Katie Holmes


Naalala ko super adik na adik ako dito. Parang yung addiction ko sa Charmed. Ewan ko. Basta mahilig ako sa Teen Oriented shows. Pero syempre ang talagang una tumatak saken na foreign ay etong Dawson's Creek. Hinding hindi ko makakalimutan yung love triangle ni Dawson, Joey, at Pacey! Yung naguguluhan si Joey kay Dawson at Pacey. Ay! Bonggang bongga talaga! Kaso wala akong mahanap ng pangmarathon ko sa Carriedo eh. Anyhoo... HALA SINGALONG GALORE!!!

Ngayon, hindi ko na masyadong nakikita si James van der Beek. Pero naalala ko nag-guest star sya sa Ugly Betty. Si Michelle Williams, sya yung nabyuda ng actor na si Heath Ledger na kasama nya din sa award winner movie, Brokeback Mountain. Alam naman natin na si Katie Holmes ay ang jusawa ni Tom Cruise. At si Joshua Jackson ngayon ay kasama sa hit show na Fringe.

Ang pumalit na ngayon sa Dawson's Creek sa puso ko ay Gossip Girl. XOXO!!!
Photobucket