Photobucket


Walang dapat sisihin sa paghihirap ng loob ko ngayon kundi ang sarili ko lang. Ako mismo ang desisyon na maging "object" ulet. Object na kailangan lang kung kelan gagamitin. Na isasantabi pag hindi ginagamet. Kakalimutan hanggang sa kailanganin ulet.

Pinipilit kong iwaksi lahat ng iniisip ko pero, mas nananaig yung negative thoughts sa isip ko. Akala ko kanina sapat na yung ginawa kong paglilibang sa sarili ko para maayos yung nararamdaman ko. Pero parang lalo pa ata akong nasasaktan. Sa bawat segundo na sinusubukan kong labanan yung mga negative thoughts na ito, parang nararamdaman ko yung unti-unting pagkatalo ng loob ko.

Marami pa talaga ako dapat masiayos din sa loob ko. Hindi ko pala sila lahat nalagpasan. Binaon ko lang lahat ng sakit sa puso ko. Ngayon unti-unti na syang nakakahabol sa nararamdaman ko.

Importante nga lang talaga ako pag may silbi.

Haaaaaay, kaya ko to. Mahal na mahal ko sya. hindi ako papayag na mawawala pa sya ulet. Kung ganun lang ang set-up na maibibigay nya, susubukan ko parin lumaban kahit mag-isa lang ako. Lalaban ako hanggang sa bumigay ulet yung puso ko o hanggang sa pakawalan na nya ako.

Mahal na mahal ko talaga sya.
Photobucket