Hanggang ngayon, gulong gulo pa din yung isip ko sa nangyayari. Wala pa din akong idea kung anu ba talaga ang dahilan kung bakit sya nagkakaganun. Halos mabaliw nko sa kakaisip. Pero sabi ko nga, kahit anung isip pa ang gawin ko, kung hindi ko talaga alam, hindi ko din talaga sya maiisip.

Photobucket

Isa lang ang alam ko. Hindi ako mag-give up ng hindi lumalaban. Lalabanan ko yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Yung kalungkutan na unti-unting pumapatay saken. Yung pangungulila sa pagmamahal nya. Lalaban ako hanggang sa mamatay ako. Hanggang sa madurog ang puso ko. Magtitiis ako hangga't kaya ko pa. Pero sana, bumalik na sya agad. Tao lang ako. Hindi ako si Darna, wala akong lakas o kapangyarihan para hindi masaktan. Sana pag balik nya, nakatayo pa din ako at lumalaban.

Gumawa na ako ng ilang steps para mapanatag ang loob ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin yung bagay na yun. Alam kong magagalit sya saken pag nalaman nyang ginawa ko yun pero kung makaktulong yun sa mga problema nya ok lang. Hindi ako mapakali sa idea na mag-isa lang nyang sinusubukang lutasin ang problema nya. Kung hindi ako makakatulong sa kanya, alam ko merong pwede. Kahit pa nakasarado sakin ang mundo nya ngayon, alam kong mahihirapan syang gawin din yun sa mga taong pinakiusapan ko. Pero kung hindi pa din yun magiging solusyon, wala na akong maisip pah kundi...

NOOOOOOOOOOO!!!!

Mahal na mahal ko sya. Hindi na magiging kumpleto ang buhay ko pag nawala sya! Magiging matapang ako ulet basta bumalik lang sya! Kung kelangan kong kalimutan yung totoong ako para lang maaccomodate yung gusto nya gagawin ko! Basta kelangan ko sya sa buhay ko!

Photobucket

Pero aaminin ko, ang tanging dahilan kung bakit sinusubukan ko pa din lumaban dahil sinabi nyang Mahal na Mahal nya din ako. Na mahalaga ako sa kanya. Na hindi nya ako iiwan. Kahit pa ngayon hindi ko na nararamdaman yun, araw araw ko binabasa yung message na yun, para lang lagyan ng apoy yung mga katagang binitiwan nya. Sabihin nya lang sakin ngayon na mahal nya ako at hintayin ko ang pagbabalik nya, gagawin ko! Mawawala na yung mga alalahanin ko! Gusto ko lang malaman kung babalik pa ba sya o iniwan na nya ako.

Sabi nga ng favorite author nya, "kung mahalaga ka talaga sa isang tao, hahanap siya ng paraan para magkaoras sayo... Kung wala siyang oras sayo, wag ka nang umasang mahalaga ka sa kanya." Kaya sana kahit sa isang text lang sabihin nya saken ang dapat kong gawin. Hindi naman ako mahirap kausap eh. Kahit sa isang text na yun, mararamdaman ko na na pinapahalagahan nya ako.

Hirap na hirap na ang damdamin ko. Pero susubukan ko pa ring maging matatag, para kahit na sa oras ng katapusan, masasabi kong pinaglaban ko sya, nang buong puso't kaluluwa.

Photobucket
White Knight, mahal na mahal kita...



Photobucket