Photobucket


Tanga na ko. Sige na. Tanga na. Tanga nako kasi binigyan ko sya ng isa pang chance. As you can see binura ko yung A Letter to myself na post ko. Sige tatanggapin ko lahat ng sasabihin nyo sakin. Tanga. Bobo. Ulol. Sira ulo. Kahit ano. Pero hindi na magbabago ang isip ko sa ginawa ko. Kahit pa kinabukasan ulet nun, nagbigay nanaman sya ng disappointment sken. Tanga na talaga. Nagpapakatanga.

Hindi ko alam kung bakit ko ni-grab yung chance nung nag-usap kami na baguhin yung desisyon ko. For the record, ako ang nagtanong sa kanya kung tutuloy pa ba namin ang friendship namin o hindi nah. although sya naman yung unang kumausap sakin about the issue. Pero yung trigger nya eh yung mga nakasulat sa post ko sa letter ko sa sarili ko. Yun lang pala ang paraan para mapansin nya na nasasaktan ako. Anyway, naisip ko kasi nun, sa mata nya ako ang may pagkakamali, sa mata ko naman, sya yung may pagkukulang. Walang mangyayari smen kung pareho kaming magmamatigas. Kaya sinubukan ko nalang magfirst move.

Pareho nga kasi kaming stubborn. Pareho lang kaming magmamatigas hanggang sa huli. Kaya naisip ko walang mangyayari kung wala saming magbabackdown. Feeling ko ang hina hina ko. I'm so weak that despite my big effort and determination to ultimately forget about him, he just talked to me and I immediately scrambled to get back to him. Stupid! Stupid! Stupid! Sarap iuntog ng sarili ko. Grabeh!
Photobucket