Nagulat ako nang dumating si JM na may dalang isang bilaong pansit. Kasalukuyan kaming nanunood ng anime ni Juancho nun ng dumating sya. Kaloka! andami! Mas naloka pa ako nung dumating si Boss at si Manong na may dalang cake. Wala naman napag-usapan na magdala ng pagkain. Kasi para saken normal na saturday lang yun na magmimeet kaming mga magkakaibigan. Nang binuksan yung box nung cake, napangiti nalang ako at natouch sa nabasa ko...

Photobucket


CONGRAPPY BIRTHDAY!!! Congratulations daw for passing the board and for having a job and of course happy birthday kasi nga birthday ko last Wednesday.

Photobucket


Pano ba naman ako malulungkot kung meron akong mga kaibigan na katulad nito. Yung hindi ko na kailangan pang idemand yung attention. Kasi readily nila binibigay. Napaswerte ko talaga na may kaibigan ako katulad nila. Walang makakapalit sa kaligayahan na naramdaman ko nun. Kahit pansit, pretzels at cake lang yung pagkain namin. Masaya kami kasi magkakasama kami. Salamat talaga! Sobrang Salamat talaga! One of the best birthdays ever! Gosh naluluha ako sa sobrang pagkatouched! huhu! wihi!


Photobucket


wait... naluluha talaga ako... waaaah!!! super duper touched ako!!! salamat talaga!

Photobucket