Sumakay ako ng LRT 1 papuntang QC. Saktong sakto yung Berso sa Metro na tula. Parang talagang para saken!


Photobucket

Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan:
Ako dahil ikaw ang minahal ko ng lubusan
At ikaw dahil ako ang sa iyo’y lubusang nagmahal
Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan:
Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad nang pagmamahal ko sa iyo
Ngunit ika’y di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.


Muntik nako mapamura sa ngiti eh! Pati Berso sa Metro nakikiayon saken! Whahahaha!

Tinanong ako ni Jebs, “Totoo na ba yan? Narinig ko na yan dati eh.” he’s pertaining dun sa scenario dati nung sinulat ko yung “Letter to myself” tapos bigla akong lumiko at came running back sa kanya. Hmmp… Sigurado na ko na hindi na sya babalik. Nawala na yung lalaking minahal ko at nagmahal sakin. Natira ay sadyang napakaduwag para mahalin ko pa. Kung bumalik man sya, it would take him a hell lot of effort to win me back. Pero hindi ko na inisip yun. Ang patay hindi na nabubuhay muli.

Umalis sya sa buhay ko dati. Kaya kahit mawala sya ngayon alam ko kakayanin ko. Mahal na mahal na mahal ko si *insert his full name here*. Pero walang lugar sa buhay ko ang isang duwag.
-Inhinyera Dyosa Whilhelmina, FIGHTER

Sinabi nya sakin na wala nang maipapakitang mukha yung close friend ko sa mga kaibigan nya. Pwes ngayon, wala na syang mapapakitang mukha sa mga kaibigan ko. Lalong lalo na sa Little Brother ko na talagang nanggagalaiti sa galit. Hindi lang naman sya ang lalaki sa buhay ko. Sya nga lang yung lalaking minahal ko ng tunay pero hindi lang sya ang lalaki ng buhay ko. Nakakatuwa isipin na kung sino pa yung mga hindi ko masyadong pinapansin, sila pa yung nagcocomfort saken. May isang pulutong ata ako ng lalaki na handang rumesbak eh. Pero hindi na kailangan. Hindi naman ako ganung klaseng tao. Basta sana wag na lang nyang gawin sa iba yung ginawa nya saken. I’m a strong person. I know I can handle this. At lalong lalo na wag nyang gawin yung iniisip ko. Makikita nya talaga kung pano ako magalet.

Hindi maalis sa isipan ng mga kaibigan ko na kaya nya ginawa yun dahil gusto nyang gumanti. Actually, ako hindi ko pinaniniwalaan yun. Although, yun eh kung sya yung lalaking minahal ko. Pero etong isa ngayon na ewan ko ba kung anung problema sa buhay eh baka nga. Well, dapat matuwa sya kasi he succeeded. Nakaganti na sya. Nagawa nya akong paiyakin ng maraming beses. Nagawa nyang i-reject ako ng tuluyan. Katulad ng rejection at pagpapaiyak na ginawa sa kanya ng close friend ko dati. Hindi rin talaga maaalis yung doubt na yun kasi sa huli, I asked him to explain his side pero he chose not to. Pero please, I deserve the truth. I don’t need lies. Pawang katotohanan lang ang gusto kong marinig. One more reason kung bakit hindi na kami magcliclick. He’s a Liar. A freaking liar.

Katulad nga ng lagi nyang sinusumbat sa close friend ko. “Wala akong ginawa kundi mahalin sya…” Well etong sayo! WALA AKONG GINAWA KUNDI MAHALIN KA! Wahahahhaha! Ferric Sulfate pentahydrate! Wahahhaha! Walang regrets kasi… NAGMAHAL LANG AKO…. Wahahahha! Yung mga linya nya dati! Wihi! Nakakatawa that they all apply to me right now.

A toast! To a new me! A new direction! A new life! Towards Happiness! Cheers!
Photobucket


A great song about moving on!

LIFE GOES ON



Photobucket