Photobucket
I am adamant in my decision to leave him behind...


Bakit ba marami pa din ang nagtatanong kung ok lang ako? Anuver?! OKAY LANG AKO! Wala na ako sa standstill ng buhay ko. My world is moving forward. Pero meron akong guilty thing na ginagawa araw araw. As in everyday, walang mintis. At multiple times a day pa ah! Binabasa ko tong part na to ng letter ko para kay Angel. Ang huling huling letter ko para sa kanya:

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA ANGEL!!! BIGYAN MO LANG AKO NG CHANCE NA IPAKITA SAYO NA KAYA KITANG IPAGLABAN AT KAYA KONG GAWIN LAHAT PARA SAYO!!! Sabihin mo lang saken ngayon na kailangan mo ko! Magiging sayo nako! Sabihin mo lang na bigyan kita ng oras, Maghihintay ako! AYOKONG MAWALA KA! DAHIL NAPAKAHALAGA MO SAKEN!!! Hindi mo lang alam kung ano na yung pinag-iisip ko para lang mawala yung pangungulila ko sayo. MAHAL NA MAHAL KITA. KAHIT AKO NA MAGING PROTECTOR MO! SABIHIN MO LANG SAKEN! KAYA KONG GAWIN KAHIT ANO BASTA PARA SAYO! Basta sabihin mo lang na kailangan mo din ako. KAILANGAN KITA. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA ANGEL… MAHAL NA MAHAL KITA…Titiisin ko kahit ano basta sabihin mo lang na dyan lang ako sa tabi mo. TATANGGAPIN KO LAHAT NG TUNGKOL SAYO! Basta kasama kita! ANGEL, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!

Medyo kabisado ko na nga eh. Ewan ko ba. Basta hindi ko akalaing nagawa ko yan. Hindi naman ako masyadong vocal sa feelings ko eh. Sa kanya lang. Sa totoo lang, hindi ko naman hinihingi na mahalin nya ako. Martyran diba? Pero titiisin ko. Gusto ko lang marinig mula sa kanya na kailangan nya ko. Partida, makukuntento nako sa Facebook message. Kung sasabihin lang nya yun, mapapanatag na ang loob ko. Pero syempre, temporary fix lang yun, kasi kelangan nya pa din iexplain kung bakit nagkaganon ang mga bagay bagay.

I'm ok kasi narealize ko na hindi sya karapatdapat sa attention at care ko. Alam nyo ba kung anung huling huling sinabi nya saken? sabi nya...

Sinisira mo ang buhay ko!

Syempre, ang initial reaction ko, "Paano? Paano ko sinisira ang buhay mo?" Like hello? Wala akong ginawa kundi intindihin at mahalin sya. Pano nya nasabing sinisira ko ang buhay nya? Is it because tinanong ko kung pede ba syang makipagsex saken? Naku ah! Please lang!

Isa pang reason ay nagsinungaling sya sakin. Malaking bagay yun para saken. Naging matapat ako sa kanya. To the point na sinabi ko sa kanya na Ni-hack ko yung yahoo mail nya dahil lang ayokong masinungaling sa kanya. Ang masama lang sakin, kahit isang beses lang sya magsinungaling, didibdibin ko yun, katulad ng ginagawa ko ngayon. Binabaliktad nya yung kaibigan ko. Well in truth sya yung nag-initiate. Sa tingin ko, nagrespond lang yung kaibigan ko sa stimulus nya kaya nagawa ng kaibigan ko yun. Kaya sana aminin nalang nya na gusto nya din ang sex at sya ang aggressor. Maiintindihan ko naman eh. Bisexual sya, alam ko may pangangailangan din sya. Hindi na nya kailangan pang itago kung ano sya saken kasi kaya ko naman syang tanggapin eh. Malawak naman ang isip ko sa ganung mga bagay. Pero sadyang hindi malawak ang isip ko sa makitid na kaisipan. But... It's too late. Nagsinungaling sya, I know the truth already.

Bukod pa dun, masunuring bata ako. Di ba sabi ni Mudak hindi ko daw kelangan yung mga ganung klaseng tao sa buhay ko? wahhahah!!!

MASAYA AKO! KAYA WAG NA KAYONG MAG-ALALA PA! =D


Photobucket