Umuwi ako kagabe mula sa pagtututor ng anak ko. Expected ko na yung card na ginawa para saken ni Dadee. Pumunta sya sa bahay para ihatid yun, eh wala nga ako kasi nagtuturo ako ng Stoichiometry 1 dun sa isa kong anak na babae (yes, hindi lang po mga lalaki ang anak ko).

Pagkatapak ko sa 2nd floor, mega tanong agad kay Mudak. "Mom, nasan na yung card ko?" "Anung card?", tanong ni Mother dearest. "Yung regalo kong card." "Anung card?", ay nako mudakers! "Diba may lalaking pumunta dito at may inabot na card?", kelangan pang ineexplain eh. "ahhh, ayun oh.", tapos tinuro yung red envelop na nakapatong sa mga plantsahin.

Photobucket


Ay!!! RED!!! Tapos may pangalan ko!!! Binagsak ko lahat ng gamit ko sa floor at dali daling kinuha yung envelop. Pumasok ako agad sa kwarto ko at sinimulang buksan yung gift ko.

Photobucket


HUWAW!!! Nidrawing ni Dadee si Mike! Ang galing! Wihihi!!! Bilib ako Dadee!

Photobucket


waaaahhh!!! SALAMAT DADEE!!! SOBRANG SALAMAT TALAGA!!! BEST CARD EVER!!! Alam mo naman na kahit minsan na nagtatampo ako sayo, andito ka pa din sa puso ko. Wihi!!! Mahalaga ka din sakin Dadee! Kaya wag mo kong iiwan. Ilan lang kayong lalake sa buhay ko na nagagawa kong maging vulnerable. Ayoko nang mabawasan pa. Salamat Dadee. Salamat talaga!!! huhu!!! naiiyak ako!

XOXO

Photobucket