photo moving_zps68f3630a.jpg

Isang linggo ko na din ineenjoy yung lamig ng bagong kabit kong aircon sa bahay ko sa Limay. Eh wala din naman akong choice. Biglang nasira din yung electric fan ko kaya kung hindi ko gagamitin yung aircon saksakan ng init sa bahay ko. Sabi ng kapitbahay at fellow Refiners Batch 12 member ko na si Mayor, naubusan daw ng oil yun kaya ayaw umikot. Actually hindi ko naintindihan yun. kaya hindi ko nalang din sya kinulet para magexplain.

Kahapon matapos kong magsend ng gm sa mga boys, naloka din ako sa gm na nareceive ko.

Ang init init daw sabi ni Prince Charming.

hmmmmp...

Honestly, natempt akong magreply ng...

*cue music from RENT!*

Live in my house, I'll be your shelter
Just pay me back with one thousand kisses
Be my lover... and I'll cover you...


Natempt talaga akong iinvite sya na saken nalang sya tumira may aircon. Shet! I sound like a desperate bitch! Pero syempre pinigilan ako ng common sense at syempre iniisip ko pa din na he hates me. Yun lang din naman ang reason kaya hindi ako naooverpower ng obsessive tendencies ko eh. Sama mo na din na sobrang tambak ang work kaya hindi ko din sya maaasikaso sa bahay if ever (Yes! housewife ang peg!).

Oh well for now, tapusin muna ang trabaho at intayin ang regularization. Sa susunod, I will ask him. And I wont take no for an answer.

Photobucket