photo happy-birthday_zps0b520b77.jpg

Walang plastikan.

Hinintay ko buong magdamag na igreet nya ako kahapon dahil birthday ko. At sa pagmulat ng mata ko kanina, cellphone ko agad yung una kong hinanap. Nagbakasakali na naalala nya yung birthday ko kahit tapos na.

Wala. Hindi dumating yung mensaheng iniintay ko.

Tama nga ako. Hindi ko alam bakit pa ako nagdalawang isip pa. Siguro kasi talagang nagmahal lang talaga ako. Ang weird noh? Nagmahal na wala namang ginagawa saken. Ganun talaga pag naiinlove dahil sa chemicals. Wahahahah!

At least ngayon I can have a stronger resolve na wala na talaga. Ayoko din naman maging flavor of the month ulet. Wala. Wala na ang pagmamahal ko sa kanya. Lumipas na yung pagmamahal na inalay ko na hindi naman nya pinansin. So there is nothing left to do but to completely move on.

Kaya ko. I've been here multiple times.

Photobucket