Dear Reverend Marvin,

Alam mo ba Rev, unang beses palang kitang nakita, nanginig na sa kilig yung pancreas ko. Opo Rev, hindi ka nagkakamali ng basa, PANCREAS KO TALAGA YUNG KINILIG! Nagbabasa ka pa nun ng Gospel. Nakangiti ka pa nga nun habang nagbabasa eh. Ako naman, parang tangang nililipad na sa alapaan dahil sa angelic mong smile.


Nasilayan nalang kita muli nang ikaw yung magbasa ng Gospel para kay Pope nung mass sa Manila Cathedral. Medyo chubby chubby ka na ha. Haha! Pero pogi pa din. Kaya ayun, nag-overload na naman sa kilig yung pancreas ko. Close up na close up kasi yung mukha mo. Para akong hihimatayin twing pinagmamasdan ko ang maamo mong mukha. Ang gwapo gwapo mo kasi talaga Rev! Para kang anghel na bumuba sa lupa! Nakakaloka!

Kanina naman sa mass sa Quirino Grandstand, ayun ka, nakaupo sa tabi ni Archbishop Tagle. Ang lapit lapit mo kay Pope, isang mashonders na sakristan lang ang pagitan nyo. Kaya twing naka-wide shot yung stage, kitang kita kita na naka-Amen position yung kamay mo. Nanlalambot yung tuhod ko pagnakaganung tindig ka. Anghel ka talaga. Anghel ka talaga sa paningin ko. Para akong nakainom ng ecstasy pag nagpapanning yung camera at nahahagip ka. Sigaw ako ng sigaw na mukhang lokaret na haliparot. Lalo na nung si Archbishop Tagle na yung nagsasalita sa mic, antagal nakatutok ng camera sayo. Nonchalant ka lang nun, halatang nakikinig sa sinasabi ni Cardinal. Ughhhh grabeh! Sasabog ata yung pancreas ko nung mga oras na yun!

Haaay Reverend Marvin! Sabihin mo lang, magreresign ako para maging secretary mo for life! Super love you po!

Ang iyong Inhinyera Dyosa,

Whilhelmina


Photobucket