Si Berna daw nagpabaptize daw ng ibang religion. Ewan ko. Narinig ko lang yun from Donald eh. Siguro kaya hindi sinabi sken ni Berna kasi alam nya na hindi ko sya susuportahan. Tsaka pinapabayaan ko sya kung anong gusto nyang gawin. Pero like what I told her, be responsible enough for your own actions. Kelangan you're willing to face the consequences of the things you done.

Nagkita kami ni Sir Raniel kanina. Pinahiram ko yung Physical Chemistry Book ko. Nisa-summer nya kasi yun ngayon. Masaya talaga ako pag kasama ko si Sir Raniel. I know I can be who I am, sa kanya ko sinabi lahat ng masamang bagay about saken, pero he is still there. Sya nga lang yung lalaking kahit na bading ako inaakbayan ako noh. Special talaga yung bond ko kay Sir Raniel, kaya hindi ako papayag na magkahiwalay kami ng landas. Kahit gumastos pako ng malaki!

Si Whel hindi ko maintindihan kung anong gustong mangyari sa buhay nya. Gusto nyang sumaya, pero hindi naman sya makalet go sa ex nya. Minsan if holding on pains you so much, you must learn to let go, para makaramdam ka naman ng ginhawa. Ang hirap ng ginagawa mo friend eh.

Si Oli adik sa urban rivals, sabagay wala naman kasi syang ginagawa sa Laguna kundi yun lang. Ako maraming inaatupag. Anu ba naman yan ako yung Guild Leader tapos naunahan pako ng isa kong subordinate. Parang Granado lang ah!

Ang iba pang adik, si Kirby at si Nior! Granado naman!

Si Edward Paolo de Jesus ay kaibigan ko nung HS. Well, hanggang ngayon naman. Kelan lang pumunta ako sa kanila para mangamusta. Grabeh. IT na pala kinukuha nya sa Lyceum. Dati kasi HRM eh. Nagpaparamihan ata sila ng COurse ni Arnie eh. Ayun, buti nga mukha na siyang tao ngayon, before kasi mukha siya adik sa kanto. Eh lagi pa naman siya naglalagi sa kanto nila. Sus! At bonggacious may jowa ang loko! IE sa Mapua! Ngayon may summer class siya Programming 1 sa Lyceum.

Si Boss and Manong may Sun Numbers na ulet! At sa wakas may dagdag katext nako sa Sun. Normally kasi si Whel lang talaga katext ko. si Papa Eug naman kasi nagtetext lang yun pag may kelangan saken. i.e. Load. Kaya pag walang load si Whel, madalas nasasayang yung unli ko sa Sun.

Grabeh super addicted na talaga ako sa Love song ni Nancy Jane. Hanggang ngayon hindi pa din ako sawa! Nakakabisado ko na nga eh. Sisikat talaga yan! Pwamis!

Si Patty may bagong blogsite. Nagblogspot na si loko. efaybeeoh.blogspot.com. Mas mabuti nga yun para nakakapagcomment ako. Tsaka yun ang special bond namin ni Patty, yung tignan yung tumatakbo sa buhay at utak namin.

April 28, 2008 Magjumpstart na ang TP4. Wala pa din kaming feasible teachers. Haaay sana next week meron nah. Para mabrief ko na sila kung anong ituturo nila. Maghohomevisit nako bukas.

Nakitako yung mga bagong post ni Donky na pics from the US of A. Ang kukyut ng mga pics! Super! As in SuPER DuPER! Wahhahaha! Check it out in my links! Donky pasalubong!

Si Bektas ang tigas talaga! Brother in law daw ysa ni Donky! Ang Bektas nangangarap pa din hanggang nagyon! Wahahahah! Beks yung Otoko ko from Malaysia ah! Wag mong kakalimutan!

Sana magwork tong ramrevillafanatics, malay mo makapunta kami sa set ng ginagawang soap ni Ram Revilla. Pero hindi ako pupunta kung sa Dos sya gagawa. Kapuso ako eh!

Nung isang araw lumabas ako ng bahay namin, tapos lahat nang crush ko, nasa labas din at nakatopless lahat! Bruhildong mga lalaking yon, pinastanding ovation ako ang aga-aga! Pero ang sarap ng breakfast na iyon ah! yummy! Slurp!

Bumili ako ng brown rice sa puregold. try lang kung masarap. Pero masarap eh! Kaso ang mahal 55/kilo. Hala! MagNFA nalang!