“Beautiful”, sabi nga ni Marian Rivera sa commercial ng Nesvita. Well, “Beautiful”, yan din ang masasabi ko sa umaga kong ito.

I literally woke up smiling. Siguro dahil nawala na yung pinakamabigat na burden ko so far. Tapos si Mudra nagluto ng ever so favorite ko na pasta, Carbonara. Isa lang ang ayaw ko. Feel ko kasi parang naiinip ako. Ewan ko kung baket. Parang atat na ata na akong umalis ng bahay. Pupunta kasi akong CSC office today to work on the website. Pero wala pa rin naman akong solid plans for it. Hindi ko pa kasi nakakausap si Paul, yung bagong PRO ng CSC, sya kasi yung in charge dun. Bukod pa dun, ayokong magwork mag-isa nanaman sa isang website. I want a team. Hello? Ako na kaya ang director ng Thomasian Project 4. Tapos, feeling ko sakin din ibibigay yung STRAW. Kaya talagang kelangan ko ng mga katulong ano. After that siguro magpaparaparadise ako. Miss ko na magsasayaw eh. Then balik España, sa Perpetual Succor Hospital, para kunin yung dirties ni Kuya.

Birthday na ni Richmond, hindi ko alam kung anong ireregalo ko. Oh well, bahala na nga. Si Manong din pala.