Nung nagquiz kami sa CPI, pumasok si Sir Edsel sa classroom namin. Nag-usap sila ni Sir Tengkiat. Kalerkey! Honestly! Parang nakita ko si Joeward at ako ang nag-uusap! Chos!

Si John, yung staff ng CSC, nanlibre nanaman ng Pizza! 3 boxes of Pizza hut! Lahat stuff crust! BBQ, Four cheese and Meat Lovers! Kaloka! Ang yaman talaga ni John! Bumili pa sya ng 2L of Pepsi, ice and plastic cups! Wala nako masay! AMPH! Rich kid! Loko kasi tong si Jarry, nung tinanong sya ni John kung anong pwede nang maitulong, ang nireply ng lolo mo, “Kung gusto mong makatulong manlibre ka na lang” Hayop! Hayop!

Si Sky dream come true! Kasi twing nanlilibre si John, lagi syang wala. Ayan, nandun na sya nung nanlibre si John, masaya ako para sayo Sky! Hindi mo na kinailangang sumulat pa sa Wish ko lang!

Tawa ako ng tawa dun sa kowt sa blog ni Patty:

Yaong kahoy na sariwa,

namumunga ng sagana,

pinuputol ng bongang bonga;

Yaong tuyo't walang dagta...


Tumawa talaga ako ng sobrang lakas sa office! Para akong tanga!

Okay lang pala na hindi ako pumasok nung Friday kasi, si Sir Blanza lang daw yung pumasok, tapos, nasayang yung 3 hrs ng buhay ng mga classmates ko. Wahahahaha! Buti nalang nagliliwaliw ako nun! Nyahahahaha!

Syet! Naadik nanaman ko mag-DotA! Eh pano! Twing naglalaro ako, laging panalo yung team ko! Iba kasi ako sumoporta eh! So far Dazzle at Rylai palang yung nagagamit ko ulet. Hindi nako makapaghintay gumamit ng iba at maging killer ulet! Watch out! Babalik na ang muse ng DotA boys!

Ang saya saya talaga magparapara, wala pa rin pala akong kupas kahit na medyo matagal tagal na din hindi nakasayaw. Wala pa rin akong kapaguran naka 15 tokens ata ako nung Friday.

Gusto ko ulet tumambay sa Intramuros!

Syet! Gusto ko manood ng My Monster Mom! Support Filipino Movies!

Iskul Bukul yung entry ni Vic Sotto sa Manila Film Fest! Excited nako mapanood yun!

Ansarap ayusin nung gamit ni Jarry dun sa table nya. Para kasing bawat lagay ko nag gamit nagfifit sa drawer nya. Ayun, medyo maayos ayos na lahat ng drawer jnya, except yung personal drawer nya, na de susi.

Ang cute ni Jarry nung nakablue thin fit polo shirt sya. Ayos pang mayaman talaga. Tsaka ang sexy nya pag suot nya yun. In general bagay sa kanya ang blue.

Nakita ko si Sir Eros Atalia. Yung Prof ng UST na nagsulat nung Peksman... Mabait sya! Sabi nya pipirmahan nya daw yung book ko punatahan ko lang daw sya sa Creative Writing Center sa AB.

Ang hot ni Ken, yung isa sa host ng Thomasian Welcome Walk. Wala lang. Nasabi ko lang.

Pina-scrutiniuze saken ni PI yung proposed Constitution ng Asian Studies Society. Ang daming mali!! Sino ba nagdraft nun? Gigisahin ko talaga! Ang nipis nipis nung Consti na yun, hindi muna nila ni-proofread bago ipropose! Nakakahiya yung EB pag ganyan!

Antagal naman magconvene ng SIKLAB. Excited nako sa plan of action namin eh.

Merong something sa Council. Pag hindi magstep up a notch yung parties involved, patay patay sila!

Ayaw na ayaw ko talaga yung Saturday classes ko. Andami ko kasing natututunan. Naguggutom ako eh!

Kudos talaga 3 of a Kind ng SOP, ang galing kasi eh! Super!