Sa aking hindi pagpasok sa araw na ito, andami kong nadiscover! Eto sila!

PhotobucketSi Luc, yung nasa picture, ay sa Tutuban na nagtatrabaho. Si Luc ay isang Pump it upper. Dance machine yun na lima yung tinatapakan tapos pa-X yung style nung buttons. Nagulat ako sobra! Nung huli ko kasi syang nakita, sa Tom's World Robinson's Place Ermita sya nagtatrabaho. It seems na re-assign sya sa Tutuban branch ng Arcade. Ang cute talaga nya!

Ang luwag ng Divisoria kanina. Nakakita talaga ako ng space kanina. Grabeh ilang taon nako nakatira sa Manila pero hindi ko pa nakita yung buong kalye ng Recto na malapit sa Tutuban.

Pwede palang umulan ng malakas tapos umaraw ng mainit. Nangyari yun kanina nung nasa jeep ako papuntang Isetann. Ang lakas talaga nung ulan, kasi bumaha sa may Recto (dun lang naman sa part ng LRT), tapos basang basa yung mga pumapasok sa jeep. Nako pag sinabi nilang uulan ng snow sa summer maniniwala ako.

Mayroong Queer cinema fest sa Isetann featuring ang mga gay-themed indie films! Kaloka! It runs Sept 3-Sept 19 (unsure about end date).

Hindi ko inakalang meron palng ganun sa Pinas. Meron kasi ako kaninang nakitang isang estudyanteng mukhang goon, tapos meron syang dalwang alipores sa likod nya. So nakatriangle formation sila. Parang si bossing at ang left and right hand men nya. Tapos hinawi nung "bossing" na goon yung isang estudyante as if sya yung siga sa lugar na yon. Akala ko uso lang yun sa Gokusen. Kaloka meron palang ganun sa Pinas!

Grabeh! Wala na yung tindahan ng quality gay porn sa Recto! Grabeh lahat wala na! Kahit sa Carriedo at Raon! Dun sa mga nahuli puro straight porn eh! Anung excitement dun?

Merong bagay na wala na ngayon sa Recto, Tutuban, Isetann, Raon, Carriedo, SM Manila, 168 Mall, at Divisoria Mall. Mga pekeng computer programs! Wala na akong makita! Naghahanap kasi ako ng software ng Turbo C++. Ayun, wala lahat! As in wala na malinis!

Merong Triple Choco Flavor ang Mister Donut. Sabi sa Commercial, choco na yung dough, choco coated power, tapos choco filling. Bumili ako kanina. Wala yung Choco coated powder tapos yung filling nya eh strawberry. So ibig siabhin hindi triple choco yung binili ko. Single choco lang sya.