Matapos mawala sakin ang lahat ng bumagsak ako sa Thermodynamics. Ngayon bumabalik na ang sigla ko. Eto ang mga reason's kung baket:

#1 Tuloy ang Thesis!
Matapos kong magdrama at mag-iiyak. Tuloy ang thesis ko with my original thesismates Albert and Monil. Kakakausap ko lang sa Adviser namin kanina. Tuloy na tuloy na talaga eto! Feeling ko ang swerte swerte namin kasi sya na yung adviser namin. Hindi na kami mamromroblema kasi alam namin na mabaet talaga sya at hindi nya kami iiwan sa ere.

#2 Jaboy by my side
Nakahanap ako ng bagong knight in shining armor! Chos! Peace Glads! Alam kong binabasa mo to! Nagulat din ako at nasa B din si Jabs. Pero ok na yun. At least may kasama na ako. Meron na akong taong I need to look out for. Dati kasi si Sir Raniel. Eh regular sya at nasa A kaya hindi na pwede.

#3 TP4 on the roll!
Magsisimula na ang TP4 sa saturday Nov. 8. Natapos na namin ang mga papeles kanina. Kaloka! Simula na ang project na pinaghirapan ko! Yey! Masayang experience nanaman to!

#4 SIKLAB! Burn in the passion to serve!
Syempre dahil 2nd sem na, simula na nang pulitika! yey!

#5 More matured and more wisdom
I believe that bumagsak ako for a reason. Sisiguraduhin kong aalamin ko yung reason na yun.