Photobucket
Mark Angelo Cadaweng Cielo
May 12, 1988 - December 7, 2008


Haay Anu ba naman eton bumulaga sa akin. It's official patay na nga ang idol ko sa dance floor na si Marky Cielo. Nalaman ko ito nung nagtext si Patty sa akin kanina. Hindi talaga ako makapaniwala nung una. Pero hindi naman siguro gagawa ng balibalita si Patty ano, bukod pa dun, hindi naman din kasi super sikat si Marky, i mean iconic like yung ibang artista diba. Well anyway, eto confirmed ko din na dedbol na nga sya nung sinabi sa Showbiz Central Officially. Hindi pa clear kung anong kinamatay nya. Baka bangungot din. Acute Hemorrhagic Pancreatitis. Haaay syang ang bata pa nya, kasing age ko lang sya, 20.

Nasasayangan ako. Hindi ko man lang sya nakasayaw sa dance floor. Lagi ko kasing iniisip na sumulat sa GMA Artist Center para makasama namin yung ibang Teen Kapuso stars sa TP4. Oh well. Sayang, kulang na din yung dancing boys sa SOP's sayaw1. Pano na si Lovi Poe wala na ang kanyang ka-love team? Oh well, hanap nalang ulet ng bago.

Ang pinakafavorite role ko ni Marky ay yung sa Zaido bilang si Alexis. With matching making bakat the patutoy in his green spandex tights. He assumed the role of the former Shaider whose name in the Tagalog version is Alexis.
Photobucket


Sunod ang role nya as Arman sa uber favorite kong Encantadia. Kasali sya sa 3rd saga yung sa Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas. Sya yung anak ni Ybrahim at Odessa. Actually, sa book 2 nabuntis ni Ybrahim si Odessa, ang heran mula sa Hera Ayega. Sa Book 3 nanganak kaya dun sya nakasali. Kakatapos lang din ng Starstruck 3 kung saan si Marky ang tinanghal na Ultimate Sole Survivor. Sa last scene ng Encantadia, makikita si Arman na hinahatid nang dragon na si Arde, ang kapatid ng Bathala ng mga tao sa Encatadia, patungong Devas.

And lastly, ang role nya sa Boys next door. Gustong gusto ko talaga yung mga teen flicks. Sana nga gumawa ulet ng gnun ang GMA. Oh well, he spearheaded the show, but was suddenly scraped because "charming" jumped over the fence "over the bakod!".

Sayang talaga si Marky.