Photobucket


Grabeh! Ang saya saya kanina. I went out shopping with the boys! Eh pano puro girls kasi yung nabunot nila. Syempre kelangan talaga nila ng "girl"??? na kasama.

Ang kasama sa shopping galore ay si Renz, Nior, Albert, Monil, Kirby, Pau, Jaboy, Kuya Marvs at ako.

Una.
Naglakad kami to SM San Lazaro. Napansin ko lang sa mga boys na kasama ko hindi ata sanay tumawid. Ako kasi laging nauuna. Hindi kasi ako takot tumwaid eh. Meron one time dun sa may kanto ng Laong Laan ang Lacson. Nauna ako sa kabilang side. Nahuli silang lahat. Aba nung nag re dyung stoplight perpendicular to them, tumakbo ng nakahorizontal line yung mga boys. Ang cute nila tignan! Sayang hindi ko pa sila napicturan.

Kirby.
Hindi ko nasamahan bumili ng regalo si Kirby kasi medyo madali lang hanapin yung gift nya kasi specific. Planner sa Starbucks. Ang nabunot nya ay si Ms. Kimberly Tan, na laging nakalugay evrlou at ang ganda ganda. Nice one Sed! Hihi!

Monil.
Hindi ko rin nasamahan bumili si Monil dahil apparently planner lang din yung bibilin nya. Kaya sa National Bookstore sya dumeretso with Pau.

Pau.
Isa patong hindi ko rin natulungan. Specific na kasi eh. Ballpen. So he bought a parker pen with free engraving. Sosyalan!

Kuya Marvs.
Si Sed ang nabunot nya. Madali lang naman yun. Anything related sa Yosi, Sex, at Alak. Kaya click kami ni Sed eh! Hindi namin kinakahiya pagkatao namin! Una lighter sana kaso walang shop na ganun sa SM San Lazaro, sa SM Manila lang meron. Kaya nauwi kami sa Tobacco! Sosyalan ah! Ang limang piraso more than 200!

Nior.
Mas matagal ang time namin ni Nior together. Una dun kami sa 3rd floor naghanap ng earphones para kay Ena kasi sya yung nabunot nya. Nung una hindi namin alam kung anung earphones yung bibilin: pang-cellphone ba o panstereo? Minabuti naming kontakin si Ena at napag-alaman namin na stereo type ang kelangan nya. Within this time, nakita namin si Madam, Reyna, Ian, Kai at yung bf nya ata.
Next, sinamahan ko si Nior bumili ng Chocolate for Karina na super long overdue na kasi last year si Karina yung nabunot nya pero hindi nya nabigyan ng gift. Bumili kami sa 2nd floor ng SM Department store. Habang nagbabayad si Nior sa counter minabuti kong maghanaphanap ng bibilin. Nakita ko si Lady Seo at si Toto. Nakipagkwentuhan muna ako sandali. Ang sweet sweet nila grabeh. Si Toto lahat nagbayad nung binili nila. Haaay! Their so sweet! Nakita ko din dito ang CSC peepz na si Onyong with Carla and Mon.
Next pumuna kami sa Bench. Naghahanap kasi ng short ni Nior. I later found out na ang hinahanap nya pala eh checkered shorts. Eh wala sa bench, Kaya fly kami ulet sa SM department store. Naglibot libot ulet. Until we finally gave up hope kasi wala kaming mahanap na checkered shorts na pasok sa budget nya na 500 pesos. Nung mga panahon na ito. Nakita naman namin ang mga anak ko sa SIKLAB, si Earl, si Robert at si Kamil. With my High school friend, Juancho, and high school batchmate, Moje.
Tumingin din kami ng mga bag kasi may Hawk bag na itim. Yun nalang yung bibilin ko.

Renz.
Ang nabunot ni Renz si Kuya Rommel. Ay may chikka ako dyan read nyo next time. Brief ata yung kanyang wish. Una fly kame sa Dickies sa Second floor. Sayang naman kung bibili si Renz ng 3 sa isang pack at 350 pesos. eh 200 nga lang kame diba? Buti nlang hindi sya napilit bumili nun. Napunta kami sa SM Department store ulet at pumunta dun sa Men's Underwear section. Grabeh ang sinful. Puro lalaking nakabrief yung nakikita ko sa label! Well anyway, nakakuha naman kami ng magandang offer. 200 pesos for 3 briefs assorted colors pah!

Albert.
Actually, yung kay Albert yung una talaga namin balak bilhin. Punta kami sa Women's Accessories. Ayun marami kaming nkitang mga accessories. Ang nabunot nya ay Si Rose Ann Dalawang Bayan. Eh hindi sya makapili kaya iniwanan muna namin. Marami rami din akong pinasok na stores. Lahat palpak! I mean, lahat parang hindi bagay kay Rose Ann. Nung 2nd time around kami sa Women's Accessories section, belts na yung napagtuunan namin ng pansin. Ay! Tinext nga pala nila si Joeward kung anong favorite color ni 2town. Sukat ba namang sabihin sa maga boys na ang favorite color ni Ann eh Fuck me Red at Bitchy pink! Nalerkey tuloy yung mga boys.
Kumuha si Albert ng belt na sa tingin nya eh ok na. Pero sabi ni Renz mukhang hindi ata maganda yung kinuha nya. Kaya ayun, hanap ulet. Ako talaga naghanap ng belt na sa tingin ko maganda. At may nakita nga ako! At nag-agree naman sila na maganda yun. Fuck me Red yung kulay nya! Hihi! Btw, naulet ulet dito yung Hada hada part 2 scene namin eh! "Che! Chupain kita dyan eh!"

All in all super saya talaga nung shopping with the boys! Kahit nakakapagod, nothing can replace yung fun moments namin together!