Photobucket


Nagulat talaga ako kahapon sa nabasa ko sa text ni Alberchie. Actually, muntik nako malalaglag sa hagdan from the 3rd floor. "Malapit nako maging single" text nya sakin kagabi. Talaga may problema sila? Kasi nung huli namin sila nakita ni Chii magkasama eh nung Paskuhan. Mukha naman silang masaya. Well, marami din naman pwedeng mangyari in a span of one month.

Ang sabi pa ni Alberchie kaya daw sya namromroblema eh dahil parang hindi na nya napapasaya si Chii. Aba! Choosy ang puday ah! Kahit ano daw gawin nya eh hindi na nya napapasaya yung girlfriend nya, kasi mas marami na daw nagpapasya kay Chii. Nagtetext sya, wala naman daw response. Nakikipag-usap naman daw sya regarding it, pero inconclusive.

Bakit kaya ganun? Kaya nga ako na ang nagstep back. kasi alam ko masaya sila. Pero baket ganito na nangyayari ngayon?

This is my comment. They are just waiting the bomb to explode. Kung nag-uusap sila at hindi pa din nila maresolve ang isang bagay, ibig sabihin lang nun, merong nasira beyond repair. Kung tatagal lang yung relationship, parang naghihintayan nlang sila gumawa ng move sa isa't isa. Stereotypically, girls dapat ang mag-end ng relationship, kaya why hold on kung hindi ka na rin masaya? But is just my point of view. Bahala sila sa desisyon nila.

Message ko kay Alberchie: Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo. Alam kong malungkot ka ngayon, kaya dapat mag-isip kang mabuti. Alam kong mahal na mahal mo ang girlfriend mo. Pero kung lokohan nalang ang ginagawa nyo, hindi ako papayag na lokohin ka nya, at lokohin mo sarili mo. Hindi ikaw ang swerte sa kanya, sya ang swerte sayo.

Message ko kay Chii: Sabihin mo ang totoo mong nararamdaman kay Alberchie. Honesty lang ang kelangan, it can either make or break a relationship but I'm telling you it can relieve someone of their hardship.