Si Albert at Joeward; Si Alberchie at ako.
Sinong para kanino?


Nung isang gabi, nagkaron kami ni Joeward ng gay to gay talk. Ang topic: tungkol kay Alberchie.

Ang bruhang baklerj kasi tinanong ako kung ano ang comment ko sa Alberchie at Chii breakup. Ang sagot ko naman: "Tinatanong pa ba yan!! Syempre tuwang tuwang tuwang tuwa ako noh!" Napakaopen ko naman kasi sa idea na magbrebreak silang dalawa noh. Wala nang plastikan. Masaya ako! At siguradong hindi lang ako ang natuwa! Sure na sure ako dun!

Ayun, super kwentuhan tungkol sa closeness namin ni Alberchie. At nagtanong si loka ng tanong na sobrang napag-isip ako. "Baket naiilang sayo si Albert? yung bang hindi na sya lumapalapit sayo dahil wala lang, gusto lang nyang mangulet." May point nga si bakla. Akala ko nung una dahil busy lang ako. Pero may point sya. Almost no interaction kami ni Alberchie na kulitan lang. Ang sabi ko sa kanya itanong nya kay Alberchie yun. Actually nga daw, tinatanong daw nya ako kay Alberchie, kaso ayaw syang sagutin, ngingiti lang daw at nambabatok. "Wow! Concerned ka talaga saken bakla! Touched ako! Either that or gusto mo lang ng chizmax! Whahahahah!" Sarcasm ko.

Kahapon, habang nagluluto si Alberchie ng kanilang Pancake with kalabasa bits, tinanong ko sa kanya directly about dun."Naiilang kaba saken?" tanong ko. "hinde..." with a very puzzled face. "eh bat nasabi ni Joeward yun?" counter ko. "Kasi lagi nila tayong tinutukso!" "Tinutukso na ano?" "na tayong dalawa..."

May ganung Effect!

Oi! Kasalanan nyong lahat ito! Kung wala kayong malisya sa relationship namin ni Alberchie, hindi yun maiilang saken! Kilala nyo na kung sino kayo! Maga ekek!