Photobucket


Medyo nalulungkot ako kasi medyo napag-iisip isip ko na yung reason kung baket naiilang saken si Alberchie. Ito rin yung same reason dati kung baket ako nagtampo sa kanya. Hindi pa rin pala to natatapos. Kaya siya naiilang kasi siya mismo may malisya sa relationship namin. Sya mismo hindi nya mabitawan yung bagay na yun. Yung ego nya…

Kung sino pa yung pinahahalagahan mo sya pa yung may malisya sayo. Lagi mo syang nakakasama, lagi mo syang inaalala, lagi mo syang iniisip tapos yun pala iba pala iniisip nya. Kung talagang may balak ako sa kanya, matagal ko nang ginawa. Sa dami nang chance na pwede kong gawin yun, hindi ko gingawa. Kasi mahal ko sya. Mahal ko sya bilang kapatid. At ang magkapatid hindi ginagawa yun.

Pero it makes me wonder, kung talagang may malisya sya sa relasyon namin, bakit nya ako pinapatuloy sa bahay nya pag gusto kong mag-overnight? Nakakapagtaka talaga.

Tapos na ako umiyak, nasaktan nako ng mas higit pa dito ni Alberchie,kaya ang simpleng bagay na ito hindi na magpapaiyak saken. Siguro ganun talaga ang buhay bading. Masaket pero Masaya!