Photobucket


SUPER GANDA NG INDIE FILM NA ITO!!!!!!!! Bravo sa super galing na pagganap ni Baron Geisler as a gay tv show producer! Hindi mo aakalaing umaarte sya!!! Parang tunay talaga! Baklang bakla si loka! Pati ang paglandi sa otoko! Kuhang kuha! Bravong bravo talaga! Kaso nicut yung frontal scene nya eh. Wala sya sa pelikula nung pinanood ko. Oh well, kelangan talaga sa Cinemalaya ako manood. Basta next time I'll do my best na dun manood.

I'll watch any show with Coco Martin in it! Winner talaga lagi ang acting ni Coco Martin! Sa film na ito hindi sya ang lead. Pero yung pwersa nung pagbato nya nung lines kuhang kuha eh! Kahit gano pa ka liit yung role nya, nagagawa nya ng tama! O Shet! Deserving sya for his award! Favorite line. "Tang ina mo! Naghihirap n ayung pamilya nila dahil sayo!" saktong sakto talaga ang delivery! Tapos sabi ni Av, kamukha daw nya si Whel paputiin lang at pabuff-in.


PhotobucketPhotobucket
Agree???


Ang story ng Jay ay tungkol sa isang baklang tinadtad ng saksak sa likod. Tapos naiwan nya yung pamilya nya. Dapat kasi papunta na syang states para magtrabaho dun as a teacher pero ayun, tinawag ng laman nya kaya naghanap ng masahista sa Maynila. Ang loka! Top pala, gustong tirahin yung masahista, eh ayaw, ayan napala ng baklang makate! Pumasok ngayon sa eksena si Jay, yun din yung name ni Baron sa film. Producer sya ng isang real life drama show sa Channel 8. Nakakaloka yung production! Parang fabricated lahat ng nakikita natin sa TV. Super manipulation ang nangyayari! Anyway panoorin nyo nalang para malaman nyo yung pinagsasbai ko. Ang role naman ni Coco Martin eh, sya yung ex-boyfriend nung Jay na pinatay. Ang malditang bakla! May ganung ka-hot na jowa pinakawalan pa! Nabulag sa kanya si Edward (Coco Martin) at pinakawalan pah! Sus miyo! May scene pa sa harap ng Tondo Church. Ang sayasaya! Nakarelate ako dun ah! Ang galing galing talaga! Must see ito movie na ito!