Eto na po ang first entry ko tungkol sa recently concluded retreat namen which ran from Aug 1 to Aug 3 2009. As usual, hahati hatiin ko ang pagkwekwento para hindi masyadong mahaba at mabigyan ng time ang paghihintay para makapagupload ng pics yung mga classmates ko. Nagretreat kami sa Caleruega, Nasugbu, Batangas btw.


Retreat, ibig sabihin, pwede akong magdrama habang nandun ako. Sinamantala ko talaga yung pagkakataon. Last day of retreat, after all the sessions at after namin lahat umakyat sa burol ng sama ng loob (explanation in future posts), tumayo ako sa labas ng GazeKubo (Gazebo + Kubo) outlooking the hills, and began to think about this issue that has been bothering me.

Pinilit kong isipin yung issue, yun bang iisipin ko lang sya ng iisipin para masaktan ako ng masaktan. Pero ang nakakagulat, kahit anu pang isip ko na masaktan ako... Wala.. Walang epekto. As if, utak ko nalang ang nag-iisip na masasaktan ako pero ang puso ko hindi nah.

Hindi ko na mababago ang panahon. Hindi na ako ang gusto nyang kasama. Akala ko, yung Knight in Shining Armor ko forever na sa akin. Nung una lang talaga yun siguro. Naging masaya ako kahit papano. May kagagahan man akong ginawa, may kagaguhan din naman sya. Ngayon, he found a new damsel for his own. Alam nyo ba yung nararamdaman ko pag nakikita kong unti-unti nalang akong nagiging anino ng kanilang mga ngiti? Hindi ko rin maipaliwanag. Masaket na hindi masaket. I experience that bloaty feeling that is simply uncomfortable.

Walang mga luhang pumatak sa mga mata ko. Dahil sadyang napatunayan kong wala ng apoy. Wala na ang natatanging bagay na gustong gusto ko. Maraming bagay ang nagbago. Hindi ko akalain na makikita ko pa sa iba yung mga bagay na magpapaligaya sana sakin. Ngayon, medyo malungkot pa ako, but I made a decision to stop my madness and break this emotional chain that had wrapped itself to my Knight in Shining Armor. I'm breaking it now, from this moment.

I will channel all my love for my Knight in Shining Armor to my bunso. I made this decision because I know it's for the better for myself most especially. Lahat ng hindi ko nagawa at lahat ng pagkakamali ko ibibigay ko lahat sa bunso ko. Ngayon naluluha nako, pero I'll stay firm to this decision that I know that I failed many times to keep. I'm serious now. DEAD serious.

I'm happy I just got that off my chest. hihi! =D Now, I;m sure I'll be truly happy! =D
Photobucket