Photobucket


Naloka ako nung nakita ko yan sa multiply page ng isa sa classmates ni JC Lee. Maliit man si JC, Maliit naman... ang puso nya sa paglilingkod! I half wished na sana iba yung nabasa ko! Chos!

Una ko pa lang nakita yung pic ni JC sa group pic ng CSC-EB and CB crush ko na sya. Nagulat nga ako actually eh. Para kasing ang bata nya tignan compare to those na kasama nya sa pic. Hindi tuloy sya mukhang president. Pero nonetheless, gwapo sya din sa pic na yun. (Yay! >_<") Si John Carlo Lee nga pala ang President ng Faculty of Pharmacy Student Council. He ran under the banner of Lakas-Tanglaw. Straight nga sila dun sa pagkakaalam ko. Anyway, wag natin haluan ng pulitika ang post na ito dahil kinukwento ko yung crush ko!

Nagkaron ng isang incident before, as you know isa akong Executive Assistant to the Auditor ng CSC, so kami naghahandle nung distribution ng Kits sa mga freshmen. Syempre ako kumokontak sa mga people from the different Local Student Councils (LSCs). Tinext ko sya na bibigyan ko sila ng notebooks para makumpleto na yung kits nila. Hinihintay ko sila sa office namin pero nagkataong class ko na kaya umalis nako. Mamayang konti tumawag sakin si Madz, yung costaffer ko, tinatanong ako kung magrerelease ba daw sila ng notebooks. Syempre pinatanong ko kung san galing yung humihingi. Taga-Pharma daw. Pinatanong ko kung sya yung president. Oo daw. AAAAAAHHHHHH!!!! nalang yung namutawi sa bibig ko habang hawak ko yung cellphone ko. Sayang! waaaahhh!!! Crush ko kasi sya eh!!! huhu!! yung sunod na sinabi ko kay Madz. Kinabukasan, kinuwento sken ni Madz hindi ko nakita nung araw na yun. Apparently, yung pagtili ko sa cellphone eh narinig sa office. Ang lakas ata ng pagsigaw ko. Si Madz daw kasi tumatawa. Ayun, buti nalang hindi nya alam na ako yun. (Shet ngayon malalaman na nyang ako yun! whahahh!)

Maraming beses din na pag pumupunta sya sa office eh nandun ako. Kahapon nga, pinagkatiwala saken ni Juancho yung pagpapapirma sa mga members ng CB nung proposed Students' Code, sakto ang unang unang customer ko sa pagpapapirma ay no other than si Papa JC Lee. Medyo nabigla pako ng konti kasi of all na magpapapirma nung araw na yun sya pa yung unang una. Syempre konting joke joke halatang nang fli-flirt ako pero syempre dapat yung hindi obvious. Nahihiya kasi ako sa kanya eh. Natutunaw kasi ako sa smile nya! Chos! Wahahahaha! XD

Tapos kanina, dumating sya ulet! Magkatabi kami ng bunso kong si Tope nun kasi tinatapos namin yung Project proposal para sa aming Acoustic Night. Yumuko ako nun sa table at pumikit akmang matutulog sana, nang biglang sinabi ng bunso ko na, Yung crush mo oh... Sino? San? wala naman ah. reply ko. At ayun, slow motion, bumukas yung pintuan ng office at lumitaw ang ismayling peys ni Papa JC. Fly sya agad kay Ate Jeanne, I don't know kung para san. Napansin ko nga nun yung mga tao sa office ay tingin ng tingin sakin. Mga taong to! Pinapahalata nyo naman na crush ko si JC eh! Hindi ko na nga sya ineentertain eh kayo talaga! Pero ang cute ng smile na nun, nakakatunaw talaga! Whahahah! Kaya gusto kong tumatambay sa office eh! hihi!

Nakita ko yung Friendster page nya. Natempt ako kumuha ng marmaing pictures pero decided na kumuha nalang ng dalawa para mashowcase yung crush ko:

Photobucket
Pacutey!

Photobucket
Cutey! AAAAHHHHHHH! Kakilig!

Photobucket