The people I'm going to vote for the positions above are...

PhotobucketPhotobucket
Manny Villar for President and Jojo Binay for Vice-president


Manny Villar
Meron akong isang lame na reason kung baket ko iboboto si Manny Villar. Iboboto ko sya kasi taga-Tondo sya, like me! Although matagal na syang lumipat ng bahay at hindi ko alam kung san yun, masasabi kong malaki pa rin yung puwang sa puso nya sa Tondo. Pag election, hindi pwedeng hindi sya magcacampaign dito samen, at sa tingin ko mahalaga yun na visible sya dito sa Tondo kasi kilala sya ng mga tao dito at talagang iniidolo sya.

Infairness naman, talagang nakakaLSS yung campaign jingle nya ah. Pano ba naman every minute of everyday parang may isang channel ang magpapatugtog nun. Kaloka. Meron din mga lumalabas na spoof, at sadyang nakakatawa! Bilang isang Villar advocate, hindi ako naooffend bagkus natutuwa pa nga ako kasi at least napapansin nila yung jingle at sigurado akong kabisado na nila by heart yung lyrics nun.

For the record, minsan talaga naiinis nako sa mga taong mga walang magawang pinagtritripan yung linyang "Si Villar ang tunay na mahirap". Eto ang masasabi ko sayo, naiinis ka o kaya naman hindi mo matanggap yung linyang yun kasi hindi ka naging mahirap. Wala ka kasing alam kaya ang galing mong manghusga. Mahirap talaga sila nung bata sya. Kilala sya personally ng daddy ko nung bata pa sila kasi naging classmates sila dun sa Alma mater ko. kung ako lang, gusto ko pa dagdagan ung lyrics nung kanta eh, eto ay base sa kwento sken ng parents ko.
Naranasan mo na bang magtinda ng hipon sa Pavia?
Naranasan mo na bang mapatakan ng ulan sa mukha habang nakahiga sa kama?
Naranasan mo na bang magkargador sa Delpan?
Naranasan mo na bang maging working student para lang makapag-aral?
Naranasan mo na bang magkaron ng barkada sa Moriones?


Siguradong hindi! ANG GALING MONG MAGSALITA KASI LAKING MAYAMAN KA, KUNG DI MAN, HINDI MO NARANASANG MAGHIRAP! PURO KA SARAP! ANUNG ALAM MO? Palibasa lumaki kayong may kotse at kung anu ano pah! Kaya para saken Tunay na mahirap si Manny Villar kasi ginawa nyang lahat para makaahon sa buhay! At tignan mo sya ngayon!? Mas mayaman pa sya sayo! Kaya magtigil ka wala kang alam!

Sa issue naman na kinasangkutan nya dati. Hindi naman natuloy ung kaso so... what's the sense?

Jojo Binay
I would vote naman for Jojo Binay dahil for what he did sa Makati. You can do good things naman by being very firm yet humane. Tsaka he's a loyalist of the United Opposition kaya talaga naman botong boto nako sa kanya. I like what he did to Makati, and it's enough to secure a vote for me.


Photobucket