PE day
Haru Dyos ko! Naloka ako kanina nung pag dating ko sa PE class ko! May tune up games day kame! Eh absent kasi ako nung huling eeting kasi job exam and interview ko nun. Tapos last week naman wala kameng pasok kasi exam nung mga OT classmates ko.

Ayun, dahil parang medyo naninibago ulet sa bola, mga naging takot sa bola. At sadyang hindi talaga kami pinalad na magkaron ng teammates na medyo magaling na to start with. Kaya 0-4 ang standing namin. Oh well. Hindi kasi talaga marunong magserve yung mga team mates ko. Moreso, medyo ayun nga kabado. I didn't take it to deep naman, kasi nga tune up games. It was the 1st time naman that we played as a team, kaya medyo naninibago pa. Natalo talaga kami dahil sa service errors.

Pero...

This day is a triumphant day! Hindi nako mag-p-PE!!! Yes!!! Nasabi ko na kasi sa Prof ko na that I was accepted sa job sa Convergys San Lazaro. Pinayagan naman ako ng department na mag-equivalency nalang! Yes yes yes!!! Para nakong nakagraduate!! Wihi!

Avida Towers
On the way to SM, meron nakipagtitigan sken na boylalaou. Nakapayong sya tapos may hawak na bata kapatid nya siguro or anak. Nakipagtitigan sya sken until we crossed paths. Hindi ko lang alam kung nilingon nya ako, pero ako kasi tuloy tuloy lang. Hindi naman masamang tingin. Nakasmile nga ako nun eh. Nagpapacute! Chos!

Sa Avida Towers kasi nakatira yung brother ko. At alam kong pupunta dun si Mudra ng 12 NN kaya fly ako dun after class. Nakipaglaro lang ako sa pamangkin kong si Juan. Ang kulet na! Whhahahah! Super! Nakipaglaro ng blocks tapos hagis hagis ekek, at ang walang kamatayang paper airplane! Woohoo! Ang saya! Pero after nun, super napagod talaga ako kaya natulog ako ng bongga! Aircon pa kaya parang super sarap ng tulog ko! Sa sobrang sarap, hindi ko napanuod yung SONA ni Noynoy! Wahahahha!


Photobucket