Hindi ko na talaga kaya... Mababaliw nko pag hindi ko pa to ilalabas. Para nga akong tanga eh... I'm at the happiest moment of my life pero andami ko pa ding iniisip. Bawat segundo na gising ako, sya lang ang iniisip ko. Anu bang iniisip nya, anu bang gusto nya, anu bang mas makakabuti samen. Siguro natatakot lang din ako. Na baka nga ganun ulet ang mangyari saken. Masasaktan lang ako ulet ng todo. After ko ibigay yung puso ko, sasaktan lang din ako ng paulet ulet. Na mawala sya saken. Pero nararamdaman ko, iba to. Iba na tong nararamdaman ko...

Ayoko na
Ayoko nang lokohin yung sarili ko. Ayoko nang pigilan pa yung nararamdaman ko. Ayoko nang hindi ipagsigawan sa mundo ko na masaya ako. Ayoko nang isipin ang iisipin ng iba. Ayoko nang hindi sabihin na gusto ko sya. Ayoko nang hindi iparamdam na mahal na mahal ko sya.

Photobucket


Handa nako
Handa nako na magpaangkin sa kanya. Buong puso, isipan, katawan at kaluluwa ko kayang kong ibigay sa kanya. Handa nakong masaktan ng sobra. Kahit hindi maggrow ang relationship namin, kahit pah maging exclusive, open, or one-way relationship pa titiisin ko para lang hindi sya mawala sa buhay ko. Handa nakong mamatay sa sobrang saket basta hindi nya lang ako iiwan. Handa nakong palitan ang pangalan ko. Engr. Whilhelmina [insert his surname here]. Handa nakong tanggapin yung buong pagkatao nya, kahit anung kapintasan at kahinaan tatanggapin ko pa din. Basta maparamdam ko sa kanya na mahalaga sya saken. Handa nakong ipaglaban sya. kahit kanino, kahit anong dahilan, kahit saan, kahit kailan. Handa nkong maghintay sa kanya. Kahit pa hanggang sa huling hininga ko, basta malaman nya lang na andito ako para suportahan sya.

Handa nakong maging kanya lang...

Wala ng iba...

Sa kanya lang...

Dahil sa kanya lang ako nakaramdam ng ganito. Sa kanya lang. Dahil alam ko...

MAHAL NA MAHAL KO SYA.

Pinakawalan ko na sya dati, hindi nko papayag na mawala pa sya ulet...

Mahal na mahal ko sya. Sa sobrang pagmamahal ko, mababaliw na yata ako.


Photobucket