Buses and Trains
by Bachelor Girl


kakaloka yung nangyari kanina! May Bachelor girl moment ako may mother dearest! Mega lafang lang ako ng lunch. Tapos sumabay na ang aking mudak sa pag lamon. Haru! ewan ko ba kung anung nag-udyok sakin. Pero nasabi ko nalang...

hey mom... wala na si angel...

Tapos ayun, para akong matutina na nagkwento mula umpisa hanggang dulo. Napakilala ko kasi si Angel sa parents ko nung nag-inuman kami sa bahay. Niexplain ko lahat. Parang chinichikka ko lang ang lovelife ko sa kanya. Tapos ayun, sinabi ko sa kanya kung bakit nung mga nakaraang linggo, irritable ako, madaling magalit, at laging nagkukulong lang sa kwarto. Sinabi ko sa kanya na umiiyak ako gabi gabi kasi lungkot na lungkot ako. Nakinig lang sya hanggang huli. Naloka ang dyosang ito ng magbigay ng comment finally si mudak!

di mo kailangan yung mga ganung klaseng tao sa buhay mo...

Ay! Award si Mudak! My thoughts exactly! At humirit pah!

wow! ang bunso ko naiinlove nah!

Ay nako mudak! maraming beses nah! hindi ko lang sinasabi sayo! whahahah!!!

Photobucket