Nag-aayos ako ng ilang files sa mail ko nang matambad yng mata ko sa isang folder. Gel. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nanginig bigla yung kamay ko na may hawak ng mouse at may kirot akong naramdaman sa puso ko. I gathered myself at nagclick ng isang file. Napaluha ako sa nabasa ko.

Angel:nakakain na ako nagpasabay sa delivery ng food
may retreat kami sa baguio on may 25-27
ang bilis hehehehehe
Whilsa oath taking ko... =(
pero at least makilala mo n yung mga co teachers mo. =D
Angelyun nga din naisip ko eh walang uwian
need eh
required kami umattend
lalo ako bagong teacher
asarrr
di ako makakapunta sa oath mo

Photobucket

PhotobucketGustong gusto ko sya nun pumunta sa Oathtaking ko bilang isang Chemical Engineer. Kahit pa magexpense ako para sa isa pang ticket basta gusto ko andun sya. Pero sadyang hindi sya pinayagan kasi may official trip sya sa araw ng Oathtaking ko. Nanghihinayang man ako kasi wala sya sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay ko, alam ko rin kasi na para sa trabaho nya yun kaya hindi sya makakapunta. Ang date ng Oath taking ko ay isang buwan matapos nyang bumalik ulet sa buhay ko. Alam kong mabilis pero gusto ko talaga sanang andun sya. It's like my big gesture to show him how important he is to me. Siguro it will mean a lot to me kung yung taong tinatangi ko yung unang magsasabi saken ng "Congratulations Engr. Whil". Pangarap nalang yun. Dahil huli na. Tapos na. Lahat ay tapos nah.
At ngayon na nawala na sya ng tuluyan. Wala na akong choice kundi tanggapin nalang na lahat ng nangyari samin ay nakaraan na. They are nothing more but memories. Memories na bumuo ng pagkatao ko. Memories na ngayon ay unti-unti ko nang binibitawan. Dahil sa huli...

Mas masaya na syang wala ako...

Photobucket