Para naman magkasaysay ang pagiging broken hearted ko, naisipan ko sumali saLuha writing contest ni Iyakhin.

Photobucket


Inspired ito nung gabing sinabi ni Angel na hindi nya ako totoong minahal. Yung gabing naconfirm ko yung suspicion ko. Yung gabing gumuho yung mundo ko. Ewan ko ba. Alam ko naman na hindi nya akong kayang mahalin kahit kailan pero di ko alam kung bakit mahal na mahal na mahal ko pa din sya hanggang ngayon. Parang naging phase lang yung galit ko sa kanya. Pero alam kong mas masaya na sya ngayon na wala ako. Mas nakakapagtrabaho na sya ng maayos dahil wala ako. Mas maayos na sya kasi wala ako. Yun nalang yung iniisip ko kaya nakakaya kong bumangon araw araw kahit na alam kong hindi nya ako iniisip. Mas masaya na sya. Kaya kahit papano, dapat matahimik nako. Mahal na mahal na mahal ko pa din sya. Gagawin ko syang inspirasyon ko para makamit lahat ng bagay na gusto ko sa career ko. Hindi man nya ako mapatawad. Gagawin ko lahat para ipakita sa kanya ang mga kaya ko pang gawin. Sa ganun, maisip nya na kahit pa hindi maganda ang paghihiwalay namin, nagdulot pa din yun ng magandang bagay.

Ikaw lang ang minahal ko ng ganito Angel. Ikaw lang.

Photobucket