Wala akong masyadong ginagawa kaya nagsearch lang ako ng vids sa youtube. Since merong suggested videos, napansin ko itong isang ito.



Hindi ko natapos yung FF7: Crisis Core dahil wala naman akong PSP. Kaya hindi ko alam na may update CG pala yung mga Summons! Okrayin na yan! Wahhahahah!!!

Ifrit. Demonyong demonyo naman yung effect! Sabagay, HELLFIRE nga naman yung tawag sa ability nya. Pero para sakin masyadong mahaba yung CG nya. Andami echevureche. Eh pareho lang din naman pala yung gagawin nya. May apoy tapos dash attack.

Odin. Ang ASTEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEG!!! Simple lang sya sa parehong version. ZANTETSUKEN! At mas mukhang royalty na talaga si Sleipnir ah! Sya po yung kabayo ni Odin.

Bahamut. Bakit pag si Bahamut na kelangan madilim lagi? Takot sa araw? Kelangan gabi lage?

Bahamut Zero. Bakit mecha na si Bahamut Zero sa Crisis core? At nakakaloka! Kumuha ng Magnetic Field sa moon at sirain ang Earth! Kakaloka!!!

Phoenix. Ngayon ko lang nalaman na may lahing Perico ang Phoenix. Sa FF8 naman mukha naman syang Nagiinit na chocobo ng may rainbow feathers! Kaloka!

Pero wala pa din tatalo sa uber asteeeeeeeeeeeg na pinakamalakas na summon sa FF7 kahit wala syang remade version. One summon, 13 hits. Wala ka nang hahanapin pang iba!



Photobucket