Photobucket


Ako'y nagpapasalamat at wala sa kultura ng Pinoy yung katulad sa Japan. Pag Valentine's day nagbibigay sa mga lalaking espesyal sayo. Karamihan syempre dun sa mga crush nila. Love Choco ata tawag nila dun. Tapos yung close lang kayo tapos bibigyan mo sya ng chocolate Obligatory Chocolate naman. Buti nalang talaga wala nyan dito. Baka sampung kilong chocolate bars ang bilin ko twing Valentine's Day! Sa dami ba anaman ng lalaki sa buhay ko!

Unahin na ntin sa family ko. Si Pader, tapos dalawa.. ay Tatlo! Tatlong Kuya ko. Tapos yung bro in law ko. Dalawang pamangkin kong lalaki.

Tapos yung tatlong importanteng lalaki ng buhay ko na hindi ko blood relation: Si Dadee. Si Arnie. Si Bunso. Tig iisang choco cake! hihihi!

Photobucket
Molten na pagmamahal! hihiih!


Tapos syempre ang BnBp boys: Si Manong, si Juancho, Si Jebs, Si JM, si Averi.

Tapos ang Athanasius Boys: Topher, JJ, Pao, Mark, Kenneth, Mart, Papa Eug, Deo, James, Alec, Ysaac, Michael, BJay, Jayserr, Wewe, Tulog, Leif, Ali. Garizen. mahal na mahal ko silang lahat.

Tapos ang ChE 2010 DotA Boys: Si Sir Rani, si Hesed, Si Jabs, Si Pauzz, Si Bhe, aming honorary member na si Toto, si Kuya Jun, (o sige na nga isama na natin) si Donald, Si Von, ang Thesismates ko na sina Albert at Monil, yung anak ni Gary Granada na si Gat, sama na natin ang mga Mormon boys na sina Oli at JR.

Tapos ang ang CSC 08-09 family ko, yung mga above average lang yung closeness ko lang yung mga bibibgyan ko. Si Kuya Keych Gwapo, Si crush ng bayan Papa Jarry, si The Limit Sky, si PI, si Mon, si Vinci.

Ang Boys ng aking SIKLAB family: Aming founding Chair - Arvin, Aming founding Sec Gen - Kuya Ross, Aming founding Finance Officer & 2nd Chair - Cyrus, Aming founding Logistics Officer - Clarence, Aming 2nd Sec Gen at 3rd Chair - Gelo, si Dj Gelo G, aming current chair - Marc, - aming 4th Sec Gen - Mac, anak ko si Earl, Aming 3rd Logistics - Vance, CS members si Evans at Jam. At feeling ko hahaba pa ng bongga yan dahil ang galing nila magrecruit!

Miscellaneous pipol: Si Paul June. Si Pong. Si Greenbreaker. Si Kuya ROnRon at Kuya nox. Si Sir MUgen (shet ang feeling ko).

Ang mga beki sa White day na kayo. "Girls" kasi kayo! whahahhaha!


Gano kaya karaming Chocolate na imemelt ko para mabigyan ko lahat ang mga yan. Medyo maarte din ako, gusto ko naman kahit pano yung medyo masasatisfy sila. Hindi lang isang square na chocolate lang.

Buti nalang talaga... Walang ganyan dito... whew! *punas pawis*

Photobucket