Who is Wilberchie?
Well, bago tayo magstart, gusto ko muna ipakilala yung sarili ko. Para mas maintindihan nya yung mga scenario kung bakit ganun yung ginagaw or ginawa ko sa mga oras na yun.
Ehem... Ehem... Mic test... (hair flip) (tingin sa left) (tingin sa right),,, *pose*
MABUHAY!!! Watashi si Inhinyera Dyosa! Inhinyera na... Dyosa pa!!! One of the pride of UST ChE Batch 2010! Proud member of Sige-sige-bahala-na-bukas-bagsak-na-kung-bagsak-sa-quiz-basta-hindi-nandadaya-idodota-ko-nalang Boys Group (kaway kaway mga boys!). Proud member ng Dyosa Connection (Flying kisses kina Allan at Joey!). At isang dakilang leader-student (check mo yung right hand pane to know more) nung college.
As a student, super tamad akong mag-aral. Sinisipag lang ako either pag gusto ko yung subject or pag gusto ko yung professor. Kaya ganun nalang ako tamarin pag ayoko yung dalawa. Tapos medyo hindi masyadong in line sa engineering yung mga likes ko. Maraming nagsasabing dapat daw sa AB ako. Gusto ko kasi yung mga Law, Management, Literature, Public Speaking, at writing subjects. Screaming Legal Management daw dapat ako.Passion ko magturo. Naging volunteer teacher ako sa TP4 ng CSC for 5 years. Tinuturo ko ay High School Chem Physics Math and English subjects. Pero hindi matataas ang scores na nakukuha ko madalas. Iba kasi yung priority ko eh. I incurred three flailing subjects nung college ako. At hindi ko yun kinakahiya. Ang saya kaya nung mga retake ko sa mga yan, andami kong natutunan! Kaya with pride kaya kong sabihin na despite my dyosa exterior and low-grades, I have brain cells behind my eyes. Mukha lang hindi, pero with the people and the professors who know me well, I'm sure they know otherwise.
As a person, balde baldeng confidence ang baon ko araw araw. Siguro dahil laki akong Tondo, kaya hindi ako madaling maintimidate. Hindi ako madaling kabahan. I always keep my cool. Kaya mukha tuloy akong happy-go-lucky.
Tingin ko, mas makakarelate sa mga sasabihin ko yung mga taong katulad ko din. Yung hindi priority yung pag-aaral, yung mga nagkabagsak na pero hindi naman mahina, yung diehard student leaders, yung mga walang paki sa grades; in short, mga normal na estudyante. Kaya eto na simulan na natin.
The Passing Criteria
Para sken, apat lang ang factors na kailangan mong alalahanin para pumasa sa Board Exam.
- Confidence
- Preparedness
- Time
- Chamba
Confidence. Tingin ko ito ang pinakaimportanteng factor sa lahat. Pero ito rin yung pinakamahirap. Hindi kasi nabiibili ang Confidence. It is built. Dito na papasok yung karanasan na nakuha mo nung college. In my case, sabi ko nga, madami nakong confidence to begin with. Nakuha ko bilang student leader, teacher, at mentor sa mga bagong student leaders. Also, dahil sanay ako magenglish kaya lagi akong exuding with confidence. Ngayon, ang question nalang, pano kung wala ka pang confidence hanggang ngayon? Marami namang ways gawin yun. Yung iba kong batchmates nagdasal sa mga Saints. Yung iba nagreview center. Yung iba saksakan ng confident nagreview mag-isa (pero pasado! Hi Son!). Bahala na kayo kung pano nyo ibubuild yung confidence nyo.
Ang pinakaimportante dito ay wag kabahan sa exam. For example, nabasa mo yung question tapos wala kang idea kung pano yun sasagutin, pag kinabahan ka, patay ka. Later ishehsare ko yung technique sa pagsasagot. Also, wag mong ipilit sagutin kong hindi mo talaga alam yung sagot. Kung hindi mo sya nabasa o napag-aralan, kahit anung isip mo, wala kang maisasagot.
Preparedness. Dapat sa araw ng exam hindi ka puyat. Factor din kasi yung kung pano ka mag-iisip. Ako, dahil sanay na nagkakape sa umaga, ayun, mega kape. Nagiging "normal" ako pag nagkakape eh. Tapos... Kaya ako tumataba ng bongga, kasi ayokong mag-isip pag gutom. Kaya bago ako pumasok, nagheavy breakfast ako at may baon pa akong apat na sandwhich at double water bottle.
Syempre, dapat hindi lang physical, dapat pati mental. Relax lang dapat. Hindi na dapat nagcracram sa day of the exam. kung meron nashare sayo yung friend mo na hindi mo alam, wag kang mukhang tangang nagkakagulo. Be calm, paulit mo yung hindi mo alam tapos try to digest it. Kaya dapat maaga ka pag pumunta sa venue.
Time. Ang tinutukoy kong time eh yung time na binigay mo para mag-aral. Wala pa akong kilalang pumasa ng Board na walk in lang. Yung hindi nagbigay ng effort whatsoever. Pero I'm pertaining to quality time hindi quantity. Kahit basahin mo ng sampung beses yung libro kung hindi mo din naiintindihan wala ding kwenta ang pag-aaral mo. Face the fact na hindi naman word por word yung lalabas dun sa board exam. Kelangan lang alam mo yung theory and then masasagot mo na yun on your own.
Honestly nag-aral ako like two months. Nagwowork kasi ako before. Tapos nagpaka-MASSCOM muna ako. Ginawa ko lahat ng gusto kong gawin. Nagdodota ako, nagbloblog ako, hiniram ko yung PS2 ni Dadee (hi dee! hihihi!!!) at naglaro lang, nagmarathon ng Gossip Girl, Charmed, NCIS, etc. In short, tinapos ko lahat ng luho ko bago ako nagstart mag-aral para sa ganun, hindi ko na sila gawin pa at maging focus ako sa pag-aaral ko. Tapos habang gingawa ko yang mga yan, nagbabasa basa ako ng mga bagay bagay sa internet. Part yun ng aking daily blog-mail-walk routine (Ang ibig sabihin ng "walk" sa Techie language ay binabasa yung buong article sa isang blog/website).
Chamba. Kahit hindi ka mag-aral, kung magaling ka chumamba, papasa ka! Pero sa katulad kong malas sa ganyan, isheshare ko later yung technique parang tumaas yung chamba rate mo.
Strength and Weakness
Bago kayo magreview, alamin nyo muna kung anung strengths and weaknesses nyo. Wag nyo plastikin ang sarili nyo. Wag magpakabright bright kung alam mo naman hindi mo alam yun. Wala ka namang kalaban actually sa board exam kundi ang oras lang.
Sabi nga ng aking good friend na si Engr. Hesed Ramos:
Ang mga review topics pwede mong hatiin sa apat.
1) Yung mga alam na alam mo na at hindi mo na dapat reviewhin
2) Yung alam mo yung basic at kelangan mong pag-aralan yung advanced
3) Yung alam mong mahirap kaya dapat reviewhin
4) Yung mga additional info na baka lumabas sa exam
eto yung mga subjects na pumasok saken sa mga yan:
so sa (1), eto yung mga alam na alam mo na. Para saken yung pasok sa quadrant na ito ay Gen Engg subjects like Gen Chem 1, Physics, Calculus, Geom. Teacher nga kasi ako ng mga subjects na yan, kaya pak na pak na ako dyan. Stoich 1, Thermo 1, kasi fav subjects ko yan. Ethics and Law, strongest point ko yan, super! Engg Eco - hindi ako pumapasok sa subj na to dati eh, nagself-study lang ako. May technique nga ako sa pagsasagot dyan eh. Kaya alam na alam ko yung pagsasagot dito.
sa (2), Trigo, Stat - i hate stat, at hindi talaga kame friends ng trigo eh. Unit Ops 2 - kahit na fav subject ko to Unit ops pa din sya kaya kelangan pa din reviewhin. DE - alam nah! *wink*. Advanced Math - Advanced... yun palang dapat na reviewhin, pero parang Calculus na DE lang din. Organic Chem at Anal Chem - Dahil magagaling ang naging prof ko sa mga subjs na to, hindi ko na kinailangan pang magreview ng bongga. Alamin ang ibig sabihin ng aliquot. Yung katabi ko nung exam hindi alam kung anung ibig sabihin nun. Biochem - Mabilis ako magbasa kaya, mega basa lang. Phychem - mataas yung foundation ko nung hanggang solutions at Electrochem. Mech, SM - Gen engg pero kasali pa din sa exam. CPI - meron akong book nung kapatid ni Maam Bayquen, tungkol sa Food yung Book 1 at other industries yung Book 2! Andami kong natutunan dun grabeh!
sa (3), Unit Ops 1,3,4,Thermo 2, kinetics, Process Control, Design - kelangan ko pa ba iexplain to?
sa (4).. ay super dami nyan. Madami kasi akong binasa eh. Nuclear chem kasi daming radiation galing sa Japan nung time na yun. Nuclear Med pa yung sister in law ko kaya madami akong natanong.
My Secret Weapons
Meron akong tatlong secret weapons nung nag-exam ako. Ito yung tingin ko ay factor kaya nakapasa ako:
>>> Confidence - inuulit ko, mahalaga maging confident sa day ng exam.
>>> Reading Speed - My normal reading speed is two lines per second. Kaya nakakatipid ako sa oras. It buys me more time to solve.
>>> Multi-tasker - Habang nagbabasa, nag-iisip na din ako. Dala siguro na sanay akong maraming ginagawa kaya naging ganyan ako.
"There is no Straight path to the answer but there are many paths"
Mukhang quote noh? Pero ako lang gumawa nyan! whahahah!!! Lagi naman ganyan diba pag math? Remember, Engineering po tayo hindi tayo laging linear lang yung approach. Maraming approach ang isang problem, depende na sayo kung pano mo sya isosolve. Sige bigyan ko kayong example, I'm risking my license for this pero sige, this is a true experience.
Question: A 21-gon has how many diagonals?
Nung nabasa ko yung question, napamura ako sa isip ko... Oh sheeeeeeeeeeet!!! Wala akong maalalang may nabasa akong formula para dyan. Pero dahil nga hindi ako madaling maintinmidate, i still kept my cool.
Ang una kong ginawa, nitry kong idrawing yung 21-gon. *^%*%*&%*&%^ ang hirap!!! Hindi pa nga ata ako nakakita ng ganun ever!
Next approach. Nitry ko idrawing yung mga shapes na alam ko. so nagsimula sa quadrilateral, tapos pentagon, hanggang hexagon. Tapos nitable ko yung number of sides with corresponding diagonals
Number of sides | Number of diagonals |
---|---|
4 5 6 | 2 5 9 |
Tapos na pansin ko na if you subract yung number of diagonals of the current shape to the next shape, may pattern nalumalabas. Dinagdag ko na din yung sa heptagon para sure ako.
Number of sides | Number of diagonals | Difference |
---|---|---|
4 5 6 7 | 2 5 9 14 | 5 - 2 = 3 9 - 5 = 4 14 - 9 = 5 |
Okay so napapansin ko na bawat dagdag ng isang side tumataas ng last added number of diagonals plus 1 yung sa susunod na shape. Ngayon, kelangan ko nalang gumawa ng relationship para maexpress ko sya in a formula. Eh napansin ko, yung numbe rof diagonals na nadadagdag each increment is simply number of sides minus 2. Kaya ni-express ko sya in this notation:
where s is the number of sides of the polygon.
eto ang naging sagot:
Number of sides | Number of diagonals |
---|---|
4 5 6 7 . . . 21 | 2 5 9 14 . . . 189 |
Pero hindi pako nakuntento. Hindi pa rin kasi ako sure eh. kaya nagtry pako ng isa pang approach. Bumalik ako sa plane geom ko. Anu ba ang definition ng isang diagonal? a line connecting two non-consecutive points of a polygon.
so sige we have a polygon with P points. pag sinabing non consecutive point hindi nya yun katabi so minus two points na. Eh hindi ko din syempre pwedeng isama yung point itself kaya minus three. So ibig sabihin a single point can have (P-3) non-consecutive point partners. Eh bawal na umulit yung line pag pinagpartner ko na sila. Kasi kung idrawdrawing ko per point yung diagonals. All in all, madraw drawing ko yung lahat ng diagonals ng dalawang beses. Kaya finally, naderive ko yung formula na to:
where P is the number of points of the polygon
Answer for P =21? 189 diagonals.
Ok, dalawa na yung nag-aagree... pero hindi pa din ako sure... ONE MORE!!! Ganyan ako kaadik! last question na kasi to eh... may mga 3 hrs pako to spare kasi.
Dun sa quadrilateral, napansin ko, yung lines formed dun ay simply the combinations of two points. Tapos yung outer shell are simply lines formed para mabuo yung polygon. Nakapagderive ako ulet ng isa pang formula:
where n = is the number of sides of the polygon
C is the combination symbol in the calculator
Answer sa n=21? 189 diagonals.
Moral of the story:
Maraming approach how to answer a problem. Basta tama yung analysis mo, sa tamang sagot pa din mapupunta yung calculations mo. Nasasayo na yun kung pano mo sya gagawan ng paraan. Sigurado naman ako, yung mga professors naman have done their job to prepare you for this. Kelangan mo lang maging kalma do at mag-analyze ng maayos para masagot mo yung problem.
----
to be continued kasi gutom nako! whahahahah!
-updated Aug 29, 2012. Read 2nd part here
4 comments:
paki compute yung rate blood loss kong pagdudugo ng ilong ko please. ahahaha
salamat dito Wil! busy-busyhan ako much pero I needed this! hahaha. pasensya na. pwede ba kita maging textmate? Hahaha. just in case. DM ko na lang sayo sa twitter yung number ko.. if okay lang. :)
DM away Green Breaker! hihihi!!!
thanks engr. wilbert. :)
very helpful po siya. dami ko pa nakuhang tips. lalo na sa pag-aanalyze sa problem and CONFIDENCE. :)
Post a Comment