Showing posts with label Dream. Show all posts
Showing posts with label Dream. Show all posts

Pusong Nangungulila


Nagising ako kahapon na umiiyak. Bumangon ako at tinakpan ang mukha ko ng aking mga palad. Humagulgol ako ng mahina para hindi marinig ng aking mga magulang ang aking pag-iyak dahil dingding na kahoy lang ang pagitan namin. Mga alas-singko iyon ng umaga. Habang nahihimbing pa ang mga tao sa pailigid, patuloy ang daloy ng aking mga luha. Ngunit kahit ganun, hindi pa din nito mapawi ang pangungulila at sakit sa kalooban ko.

Nagising ako mula sa isang panaginip. Sa mundong iyon, ako ay isang guro. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, isa akong guro sa Filipino. Sa aking pagkakaalala, maayos ang aking unang klase. Naging masaya ang diskusyon sa tula na binigyan namin ng puna. Sa sumunod na klase, hindi maganda ang nangyari. Naging magulo ang klase, hindi nakikinig ang mga estudytante. Panay ang hingi ko sa kanilang atensyon. Pero walang nakikinig. Natapos ang klase pero hindi namin nabigyan ng puna ang tula. Lumabas ako sa silid-aralan na umiiyak. Naalala ko yung pakiramdam na pagkabagabag dahil hindi ko nagawa ang aking tungkulin bilang isang guro. Naglalakad ako palayo habang sinasambit ang mga katagang: “Bakit kasi wala ka dito? Sana binibigyan mo ko ngayon ng mga payo kung anung gagawin ko… Nasan ka na ba? Kailangan kita…” At nagmulat ang aking mata. Katulad ng nasa aking panaginip, lumuluha na rin ang mga matang nakatingin sa kawalan.

Ilang sandali pa, napahagulgol na ako sa sama ng aking loob. Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Wari’y mga ilog na umaagos patungo sa isang talon na syang bumabagsak sa aking kumot. Hikbi... Hikbi... Hikbi… Hikbi ng pangungulila sa minamahal. Hikbi na pamawi sa kalungkutan. Hikbi na tanda ng aking labis na pagmamahal. Huminga ako ng malalim. Malalim na malalim. Hinugot mula sa kadulu-duluhan at kasuluk-sulukang bahagi ng aking puso. “Haaaaaaaay!!!” ang tanging nasambit ng pusong nangungulila.


Photobucket

Bakla ka bang namumuhay mag-isa?

I am just an object
Feeling ko, I'm just an object na nakikita lang pag kailangan. I'm just a personification of the things that they need or somehow the answer to the things that needs to be done. For the longest time, hindi ko lang pinapansin. Pero ngayon, parang ayoko nah. Lagi nalang ganun ang kwento. Kahit sinong lalaking malapit saken ganun ang drama. There are few exceptions pero ang masakit kasi kung sino pa yung pinakamalalapit sa puso ko sila pa yung mga parang balewala ako. Masakit isipin na magpaparamdam lang sila dahil kelangan nila ng tulong. Ganun ba kavague and description nila ng pagkakaibigan? More importantly, ganun ba tingin nila sa kaibigan nilang bakla? Hingian lang ng tulong afterwards itatapon nalang? Ayaw ipakita na kaibigan ka nila dahil bakla ka? Laging iniisip na may kapalit lagi ang ginagawa mo? Ang pinakamasakit pah, may malisya sayo. Hindi ko alam ko pano idi-deal yung ganung mga events. Hind ilang kasi isang beses nangyari sakin yun. Nung una talaga nasakatan ako ng sobra. To the point na kinailangan kong ishift sa iba yung pagmamahal ko sa taong yun para lang makamove on ako. Tapos ngayon meron na namang drama na ayaw akong kasama sa sinehan dahil lang bakla ako. Prejudice. bleh! Nakakairita sila. They don't deserve my friendship. They don't deserve my benevolence. They don't deserve the love and care na binibigay ko sa kanila. Dapat simulan ko nang hindi maging mabuti sa kanila. After all, I am just an object. An object that should have no feelings or care for them. Just an OBJECT.

I dream of my own Gilford
I envy Princess Cornelia of Code Geass. She has a very loyal knight, Gilford. And it is unconditional. There was a scene na naconfuse si Gilford when he was used with Lelouch's Geass and was made to believe that Zero was Cornelia and that she started to fight her former allies. He joined her despite being confused.
Gusto ko magkaron ng sariling Gilford. Yung proprotektahan ako kahit na alam nya namang hindi ko kailangan. Yung nandyan sa tabi ko every day and every night. Yung mahihingan ko ng tulong ng walang alinlangan. Yung hindi maiilang pag kasama nya ako. Yung ipagmamalaki ako. Yung magiging masaya dahil masaya din ako. Yung sasabihin nya yung problema nya saken. Yung alam kung pano ako aamuhin. Yung alam kung kelan ako yayakapin. Hayy!!! Kung sino ka man... Insert your name here!
___________________, aking knight


Photobucket

Wilberta Dyosa in Action!

Eto ang mga dance numbers ko dun sa GA namin. Unfortunately, wala pa akong nakikita ng record ng Dance Presentation namin pati yung solo interpretative/kalokohang dance number ko.

ChES Cultural Committee Opening number.

Nakakaloka yung Dance steps namin dyan! Halos walang counting! Kung may counting man uber bilis naman. Pero ok lang, kelangan ko talaga mksayw ulet ng ganun, shet, I'm getting rusty nah. Dati kasi, nung high school, buwan buwan may program kaya halos kaktapos lang ngisang program nagpapratice na kami ulet ng dance. Haler, president ng Dance Troupe ang lola nyo. Ngayon parang twice a year lang ako nakakapagperform. Feling ko nga hindi na ko marunong magthumbling eh. Haaay! Ansaya talaga sumayaw!

Whine Up with Joeward and Lonzee. Baklerj power!

Actually, naki-epal lang ako dyan. Hindi talaga ako kasali dyan. Nagustuhan ko kasi yung dance steps, ang landi kasi eh, very Wilberchie! Ayan tignan nyo, nagwawala ako, actually nakatingin ako kay Ma'am Quinto, natatawa sya saken. Wahahahahaha! At syempre kasama ko ang mga fellow Diwatas Joeward and Lonzee

A dream

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

I had one of those confusing dreams. Last night I was calling the person above Kuya Drew. His real name is Carlos Concepcion and he's a member of the SOP Cover boys. Which for me is a totally waste of time to watch because you can actually see their lips not in sync with the vocals. But if you think that Kuya Drew has no talent well your wrong. Despite his manly aura, he exudes a very good fashion potential. Not only is he a model, he's also a fashion designer!

I don't know why I dreamt of him. One scenario that I remember about my dream is that We were thrown out of our house. He was the one who took my things from our house as I wait for him from his car. I know he took my things because I opened the traveling bag and saw all my clothes, and I mean ALL! Then we hit the road then blur then black then I woke up for Statistics! Wahahhahah!

Here's something for Joeward:

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Saken ok lang maging Kuya sya libreng hada! Wahahahha