Showing posts with label Bunso. Show all posts
Showing posts with label Bunso. Show all posts

Alembong day

Sumakay ako ng jeep papuntang Pasig sa may Pureza. I figured dun nalang ako sasakay kesa sa may Quiapo, matatraffic pa ako papunta dun eh.

Lumiko na yung jeep sa may V. Mapa. From my seat, may nakita akong cutie na hinahabol yung jeep. Buti nalang nakita din sya nung driver kaya nakasakay sya.

At nakangiti na ang Dyosa! First cutie of the day!

Naging smooth sailing naman ang travel papuntang Shaw. May I sulyap sulyap nalang kay Cutie na nakauniform.

Sadly kailangan na namin maghiwalay ng landas. Bumaba na ako sa San Miguel Avenue. Pumunta nako dun sa building ng pag-eexaman ko.

Unfortunately super aga ko so ako'y nagstay muna sa Mini-Stop na malapet. Bumili ako ng Cobra tapos umupo sa eating area. Maya mayang konti, may pumasok na otoko. Naka semi-formal attire. Siguro may interview sya sa malapet na Call Center.

Infairness kay Kuya ah. Chinito and nerdy cute. TYPE! whahahha!!!

Sabay kaming tumayo at lumabas. yung building na pinuntahan nya eh katabi lang ng building na pupuntahan ko.

Umakyat na ako sa Unit ng testing area. Sarado pa yung pinto. May mga dumating na din na mag-eexam din sa outsourced testing company.

Ilang sandali pah, bumukas ulet yung elevator. May mestizong may hawak na paperbag na may lamang Jabee breakfast meal. Yes. Alam ko. Naamoy ko eh!

Pinapasok na kami ni Kuya. Apparently, sya pala yung personnel in charge for that day. Since ako yung unang pumasok, ako yung una nyang tinawag. Bali niset-up nya muna yung mga paperworks tapos ni-prepare nya yung mga rows of computers sa likod nung waiting area.

Tinawag nya ako ulet nung ready na yung computer ko. Nagbigay sya ng instructions about the exam. After nun, iniwan nya na ako para sagutin ko na yung exam.

Nung natapos na ako binigyan nya ako ng sruvey form. Since outsourced nga sila parang gusto nila na laging may improvement. O sige answer away!

QUESTION: What did you like most in the experience?
DYOSA'S ANSWER: Uhmmmmm... the cute personnel??? Ahiihii!!! =D

LANDIIIII!!!!!

Tatawa tawa pa ako habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep sa sinagot ko! whahahha!

Sa Shaw, sumakay ulet ako ng jeep pabalik sa Pureza. Pagkaupo ko nashocking galore ako sa aking nasilayan.

Mestizo. Andaming nunal sa fezlak. Nakafitted shirt. Yummy ang body. Cutie.

Kaloka!

Para mawala ang isip ko kay yummy kuyabelles na kaharap ko sa jeep, tinext ko nalang ang Ate ko para mapagkwentuhan namin yung TANGING YAMAN eksena sa pamilya namin.

Kaso hindi pa din ako makapagconcentrate. Hindi mo talagang hindi mapatingin kay Yummy kuya! He's sooooooooooooooooooooooooooooooooooooo...

YUMMY!

There's no other word.

YUMMY TALAGA!

Sa haba ng ride namin. Nakatingin lang ako kay yummy kuya.

Yung mga nunal nya sa mukha na specially placed para gumwapo pa sya lalo.

Yung biceps nya na nakabulge dahil maikli lang yung sleeve ng kanyang body tight shirt.

Yung maamo nyang mga mata. Nakakahypnotize!

Kakaloka si Kuya! Pero katulad ng nangyari kanina, kelangan din namin maghiwalay ng landas. Bumaba na ako sa overpass sa may Pureza. Yon eh tumingin muna ako kay yummy Kuya, sabay Psychic kiss sa kanya. ETCHOS!

Naglakad na ako papuntang Lardizabal ng may nakita akong naka Engineering Uniform.

Si Bunso!!!

Kung sweswertehin ka naman talaga!

Ayun sabay na kami sumakay ng jeep pa Tayuman. Syempre kwento kwento. hihi!!

Haaaaay!!!

Ang saya ng araw na ito!

Photobucket

Like! Like! Like!

I have come full Circle!

Picture-172
Naging PA ako ng anak kong si Earl nung lumaban sya as Mr. ES nuong 2009 Mr. and Ms. Engineering Pageant.

At ngayon... PA nanaman ako...

Nang pinaka-love kong anak!

Photobucket
Si Bunso!!!

Lalaban sya on Friday sa Mr. and Ms. Electronics Engineer Pageant ng UST-NECES!

Favor naman!!! Paki-like naman ang kanyang photo sa link na ito: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=191759024290564&set=a.191751067624693.47572.100003694037323&type=3&theater

Paramihan kasi ng likes eh! Isama nyo na din yung muse nya:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=191762697623530&set=a.191756507624149.47576.100003694037323&type=3

Wish us luck sa Friday!!! Wag nang mahiya! Like na! He's likable naman! hihihihii!

Photobucket

Linear Differential Equations and Statics with Bunso

Dumating ako sa meeting place namin at nakita ko si Bunso na nakaupo dun sa may dulo. Nakapolo shirt na gray, at nakasalamin. Ang gwapo. sabi ko sa isip ko. Umupo ako opposite him sa table at ngumiti sya. “Hi nay!”, bati saken ng paborito kong anak. Tumayo sya sabay tanong, “Anong gusto mo nay?”. “Fries lang”, sabi ko. “Yun lang?”, tanong nya ulet. “uu…”, matipid kong sagot. Gumawa sya ng facial expression na hindi ko maexplain. “Sige na nga, ako na ngang bahala”, at tumuloy na syang bumaba para umorder.

Tiningnan ko yung mga dala ni Bunso. Aba, daming papel ah. Talagang aral mode ah. Mamayang konti, bumalik na si Bunso dala yung mga orders. Bumili sya ng chicken burgers at fries and large iced tea. Habang nagsesettle sya sa kanyang upuan, nilabas ko na yung dala ko para sa kanya. Isang slice ng Caramel Decadence Cake, yung cake na dala nung mga good friends ko nung surprise(?) birthday celebration ko. Tinabunan ko yun nung free caramel sauce na kasama nung cake.

Syempre, bago ang lahat, kumain muna kami ni Bunso. Nilantakan namin yung burgers na binili nya. Tig-isa kami. Tapos kwento kwento kung kamusta ang buhay nya sa school, at kamusta naman ako sa work ko. Ayun nga daw, meron syang magaling na prof na hindi pumapasok. Haaaay saket na talaga yan ng mga prof na hindi magaling magturo. Ewan ko ba. Anyhoo, nagpatuloy ang kwento ko sa work ko. Ni-kwento ko sa kanya na nakalanghap ako ng Hydrofluoric Acid vapour sa work. At syempre, bilang precaution eh, lumaklak ako ng dalawang litrong gatas! Exaggeration talaga yun, kasi minimal concentration lang talaga yung nalanghap ko, kaya kahit dalawang baso lang ok nah. Wihi!

Binuksan ni Bunso yung dala ko para sa kanya. Dahil hindi kailangan ng utensils dun sa order namin, hindi kami binigyan. Bumaba pa ulet si Bunso para kumuha ng fork. Sinimulan nya na kainin yung cake. Masyado daw matamis. Dahil siguro dun sa caramel na nilagay ko sa taas. Medyo busog na din daw sya kasi galing sya sa isang family affair bago sya pumunta dun sa meeting place namin, kaya hindi nya naubos yung cake.

Photobucket
Bago lantakan ang cake ko! hihi!


At sa wakas, sinimulan na namin ang session. Nagsimula ang review naming sa statics. Nilabas nya yung seatwork ng group niya. Review-hin nalang daw namin yun kasi medyo gets naman daw nya yun. Ni-check ko muna syempre kung tama yung sagot. Tapos ni explain ko sa kanya kung pano yung approach dun sa bawat problem. Tinuro ko sa kanya kung technique ng pag determine ng direction ng isang moment. Pinapasa ko yung mga technique na natutunan ko on my own. Of course hindi ko naman sya pwedeng angkinin na ako lang nakaisip nun, kasi yun naman kasi yung magiging conclusion mo after mo i-analyze yung properties ng Moments.

Madali lang naman talaga malaman ang direction ng Moments. Either horizontal or vertical lang naman yung forces na nag-aact sa isang point. Pag naka-incline, kunin mo yung Vector Components nya para maging horizontal and vertical forces sya. Rule of Thumb sa pag kuha ng direction ng moment: Maglagay ka ng reference line perpendicular to the direction of the force at nagpapass through sya dun sa reference point. Meaning, pag horizontal yung force mo, vertical yung reference line mo. Pag vertical yung force mo, horizontal yung reference line mo.

Isipin mo na isang stick yung reference line na yun, tapos isipin mo yung force eh daliri mo. Pag idadaan mo yung daliri dun sa stick, anu direction nung stick? Ngayon nagagawa ko na yun sa isip ko, pero nung college ako, ginagawa ko yun sa ballpen.

Photobucket
Nung finally na gets na nya yung technique. Salamat sa ballpen! whahaha!


It took ng ilang examples bago na gets ni Bunso yung technique na tinuturo ko sa kanya. Ok na yun basta na tutunan na nya yung technique. Alam kong kayang kaya na nya yung mga ganung kasimpleng problem. Pero naloka ako sa mga sumunod na problem! Mega math! Ang pinapahanap eh yung Perpendicular distance ng isang inclined force dun sa isang reference point. Haru! Buti nalang at medyo madali lang yung solution nya. Solve mo lang yung angular difference nila at dahil given naman yung moment. Masosolve mo na sya. Sumunod yung classic pick-up truck example. Given yung weight nung truck, calculate mo daw yung force required sa isang point para maingat yung rear wheels nung truck. Edi syempre, nicheck ko yung solution. Medyo tinamad na ata si Bunso, habang nagchecheck ako nataggalan kasi ako kasi nicheck ko lahat ng solutions eh. Sabi nya magmove on na kami sa Differential Equations.

As usual, may sacred scripture nanaman syang quiz mula sa friend nya. Four numbers lang naman yun eh. Ni-explain ko sa kanya yung 1st one. DE yun in General Form. Tapos by doing the test, malalaman mo kung Type I or Type II. Incidentally, Type I yung given na yun. Syempre binigay ko nanaman sa kanya yung procedure kung pano ang gaawin nya.

-Let: x = (u+h), y = (v+k), dx = du, dy = dv;
-Substitute these in the equation.
-Isolate all the constants in the grouping symbols for both Differentials using Commutative Property
-Equate both the grouped constants to zero and obtain values for h and k.
-Substitute the values of h and k in the equation.
-Proceed with other DE solutions.

Pero dun sa number na yun, after mo kasi isubstitiute yung values ng h at k, nagging Homogeneous yung DE. So proceed lang sa solution ng Homo DE. Ayun, as usual, kelangan ko nanaman iremind kung pano yun ginagawa. Ay nako! Mga anak ko talaga!

Yung number two, Inexact DE sya, so kelangan mo pang iderive yung Integrating factor para maging exact yung equation. Tapos isosolve mo nalang using steps for solutions of Exact Differential Equations.

Photobucket
Sinasagot nya on his own yung number 2! Galing! hihi!


Yung number 3 and 4, parehong Reduction of Powers para maging linear yung DE. Eh syempre, kung hindi mo alam kung pano isosolve ang Linear DEs wala pa din masasagot. Actually may general solution naman para sa mga yan. Medyo mahaba nga lang. Pero kelangan mo lang tandaan na pag may reduction of powers, kasunod nun lagi ay solution for Linear DE. Kelangan lang mamorize yung formula and its good to go.

Sa totoo lang, nag-aalala talaga ako na hindi ko masyadong napaintindi kay Bunso yung Linear. Saken kasi madali lang talaga yun kasi may given ng general form ng solution. Kelangan nalang nyang mamemorize yun at masagot ng tama yung integration. Super gahol na kami sa oras kasi eh. We spent five hours nung araw na yun para lang mareview yung mga topics. Gusto ko pa syang iexplain pa kaso super gumagabi na nun. Kaya ko naman kasi iderive yung general solution eh, kaso baka lalo pa syang maguluhan pag ni-explain ko pa yun. Kaya binigay ko nalang.

Bumaba na kami at lumabas, ngumiti sya at sinabing… “Salamat nay! Ingat ha!

So sooooooo love Bunso!

Wihi!!! Proud Nanay!



Photobucket

Differential Equations and Mechanics with Bunso

Nagtext ako kay Bunso ng mga around 1:30PM para sabihin na papunta nako sa meeting place namin. Nag-intay muna ako ng konti para magreply sya. Nung mga 1:45PM na at hindi pa sya nagrereply, sinubukan ko sya tawagan. ”The number you dialed is incorrect…”, yung ang tugon lagi nung automated prompt twing tinatawagan ko sya. Ni-restart ko yung phone ko at sinubukan ko sya uling tawagan. When I got the same response, napagpasyahan ko nang umalis.

Sa jeep habang papuntang SM SLZ, tinext ko sya: ”Bunso, nasan kna?”. Mamayang konti, nagvibrate yung phone ko, may message, si Bunso: ”Nay kgising ko lang 230 nlang sorry”. Syempre, bilang isang maintindihing ina (chos!), nagreply ako: ”Okay. Wihi! No prob”. Nung medyo malapet na sa SM, nagtext ulet si Bunso: ”House kpb khit 3pm na kaen nko dito sa house.”. Since wala na akong magagawa dahil late na talaga si Bunso… eto ang reply ko sa kanya: ”Mg-sm nlng muna ako. Wihi! Txt mu nlng aq pag ppnta kna.”.

So mega tambay muna ako sa SM. Nakigamit ng libreng wi-fi! Aba bongga! Possible palang mag-three bars yung signal ng wi-fi sa SM! Infairness! Mabilis! Kaya walang puknat na comment sa FB at twitteritat! Hanggang sa maisipan kong maghanap ng mga bagay na maari kong bilin dun sa Supermarket. Bumaba ako sa LGF at tinungo ang kinaroroonan nun. Una akong gumora dun sa Party needs section. Sa pag-kakaalala ko, nung 4th year college ako (oo! Natatandaan ko pa yun!), bumili ako ng mga ice cream cups na may takip dun sa section na yun. Yun kasi yung ginamit nung group naming pang market nung product naming sa Product Innovation Challenge ng Department naming dati (Read it here!).Pero nung tumingin tingin ako. Wala na yung mga ice cream cups na may takip. Puro wala na. Merong may takip kaso yung microwavable na kasing size din ng mga ice cream cups. Eh kamusta naman, magkano naman yun diba?

Matapos ang in vain kong paghahanap sa ice cream cups na pede, tumungo naman ako sa baking needs section. Unang una kong hinanap eh kung may unflavoured gelatine sila. Nung pumunta kasi akong Puregold, wala! Puro gulaman lang! Magkaiba kasi yun! Explain ko next time! Anyway, meron naman sila, FERNA yung brand. Mas type ko actually yung Knox na brand, hindi dahil imported sya, mas gusto ko kasi yung pagkafirm ng products na ginagawa ko pag yun ang gamit ko. Next on the list is desiccated coconut. Eto kasi yung main ingredient ng macaroons. Kung bibili ka ng fresh, madali yung mapapanis, kasama nung butter mo pag pinatagal mo pa. At least ayun, kaya ko nang magprepare beforehand ng batter, mga a day or two, tapos ibake nalang pag nagkatime ulet. Actually, umikot muna ako dun sa back to back sections na yun, bago ko napansin na yung desiccated coconut eh nasa tabi lang pala nung FERNA unflavoured gelatin >_<’. Pero ok lang, nakita ko naman sa likod na rack na may mga canned berries na stock! OMFG! Pwede nakong gumawa ng Bluberry, Rasperry, Cherry, Apricot, at Strawberry syrups and fillings para sa Potato Pancakes, cheesecakes, at Crème puffs ko! Yey! Lumabas na ako sa Supermarket at umakyat sa National Bookstore. Nagfly agad ako sa bargain books section nila dun. Meron akong nakitang book na maganda. TV Viewer’s Guide to Buffy the Vampire Slayer. I’m sorry, pero pinapanood ko din yan dati. Dati pa nga sa RPN yan eh, tapos napunta na sa Studio 23. 50 Pesos. Sakto lang kasi yung pera kong dala kaya kahit gusto ko syang bilhin eh, binalik ko nalang sya dun sa shelf. Punta naman ako dun sa paperback section. Aba, merong koya na pareho ang ginagawa ko. Infairness ang cute nya. Pareho kami na hinahawi yung mga books para makita yung mga titles nung books underneath it. Tapos pumunta sya sa side ko, sabay kaming nagcrouch para tignan naman yung titles nung paperbacks sa lower shelf, kikiligin sana ako kaso mukhang bata pa si koya. Dun naman ako sunod sa hardbound bargain shelf. Meron dalawang Titles na nagstand out saken: 8th Confession by James Patterson at Cross Bones by Kathy Reichs. Kaso mabuhay naman, meron nako ng dalawang yan eh!

Tinapos ko na dun ang book hunting ko sa NBS at nagfly naman ako sa Astroplus. Habang papunta dun tinext ko na si Bunso kung nasaan na sya kasi mga 3:30PM na nun. Nung nakarating ako sa Astroplus, nakareceive ako ng reply mula kay Bunso: ”Nay otw nko sorry late”. Dahil may balak akong tignan sa Astroplus, nagreply ako nang: “Owkie! May tignan lang ako tas punta nako dun.”. Pagtapos, pumasok nako sa shop, grabeh, 750 Php nalang yung Charmed at NCIS season box! Grabeh na ito! Tapos may mga movies pa na magaganda! OMFG! Dapat sumweldo nako! Para masimulan ko na ulet yung collection ko ng orig VCD!

Palabas nako ng SM nung nahagip ng mata ko ang isang otoko. Sya yung bantay din sa Books for sale stall dun sa may lobby! OMFG!!! Si Kuya ay soooooo blog worthy! Kaso hindi ko mahagip yung face nya ng cam ko kaya hindi ko malagay ang pic nya. Anyway, may mga hardbound John Grisham books dun. Kaso hindi sya kasing mura nung mga nabibili ko sa NBS. Whahahaha!

Nagfly nako dun sa meeting place namin ni Bunso. As usual, naglakad nanaman ako. Alam ko naman kasi na matatagalan pa si Bunso kaya napag-isip isip ko na magleisure walk nalang sa polluted streets of Manila District 3. Habang naglalakad, marami akong nasalubong na mga estudyanteng magsyota. Grabeh kung makapag-PDA! Hindi naman ako naeeskandalo pero, sige! Ipamukha nyo pa sakin na wala akong boyfriend! Sige lang! chos! Whahahah!

Dumating ako dun sa meeting place. Naghanap ng mauupuan.Wala. Tinext ko na si Bunso, sabi ko puno, ok lang bas a Wendy’s nalang? Pumayag naman sya. Nag-intay ako dun sa naisip ko na place kung saan makikita ko syang lalabas ng gate. At hindi nga ako nagkamali, dun nga sya lumabas. At hindi nya ako napansin na nandun lang ako across the street. Tinungo nya yung daan papuntang Wendy’s. Tinanggal ko yung salamin ko para punasan. Kaya siguro nung tumawid sya, hindi nya napansin na ako na pala yung nasa likod nya. Nasa likod lang nya ako, hanggang sa pumasok sya sa Wendy’s at umakyat sa 2nd floor. Nung lumingon sya, tsaka lang nya napansin na nasa likod nya ako.

Umupo kami dun sa pangdalawahang table. Tas tinanong nya kung anung gusto kong kainin. Dahil poorita ang lola nyo at dahil mas mayaman ang anak ko sakin, sinabi ko nalang ang mahinhing sagot na… ”Kahit fries lang”. wahahhahah!

Nung umakyat sya with the food, sabi ko pede kami sa third floor. Kaya umakyat kami dun. Naupo kami dun saoverlooking (sabi nya) side. Whahahah! Syempre, kwento kwento muna habang lumalafang ng fries. Nishare nya din saken yung baconator nya. Medyo gutom nadin ako nun kasi nag-earlier lunch ko nun. Kumain ako ng mga 10:00 AM. Kaya kinain ko na din yung share ko sa baconator. Marami rami din kaming napag-usapan. About sa work ko, sa politics, sa friends and family nya. Mga ganun.

At sa wakas, magsisimula na kami sa tunay na sadya namin. Magreview para sa quiz nya kinabukasan sa Differential Equations (DE). We started off syempre sa removal of Arbitrary Constants. Simple lang naman yun. Depende dun sa equation. Pwedeng after mo kunin yung derivative tapos equate mo na agad or kunin mo yung derivative hanggang sa maka-isolate ka ng isang arbitrary constant tas equate mo lang. Ganun. (Wow! Pinasimple ang explanation!)

Anu bang mahirap sa Variable Spearable? WALA!!! Paghihiwalayin mo lang ang mga variable to their respective differential! Get the integral and poof! Pero meron akong hindi nasagot. GREEN!!! Try mo ngang kunin yung Integral neto!

Photobucket


Hindi naman factorable yung denominator para mapartial fractions ko sya. Hindi din sya pwedeng i-integrate directly kasi hindi naman kumpleto yung derivative ng e2x. I’m stumped Green, watcha think?

Natawa ako dun sa comment ni Bunso na: “Parang niloloko naman kami ni Sir dito. Andali lang!”. He’s pertaining to the test for Homogeneity. Meron kasi syang sacred scripture mula sa kanyang friend na pareho din yung prof sa DE. Pinakita ko sa kanya kung pano gawin yung first one. Sabi ko lagyan nya lang ng λ sa tabi lahat nung x and y. Tapos pag nafactor out nya yung λ sa equation, ibig sabihin Homogenous Differential Equation yun. Tapos, nianalyze nya yung second one, tas ayun sinabi na nya yung nakakalokong remark. Wahahahahaha!

Binigyan ko sya ng tip, wag na nya gawin yung test for homogeneity, hahaba lang yung solution nya. Direcho nya na gawin yung technique kung pano isolve yung Homogenous DE. You just need to equate x with vy or y with xv. Then dx = vdy + ydv or dy = vdx + xdv. Then it will become a variable separable at masosolve mo na yun ng madali. Don’t forget to back substitute in terms of x and y!

At eto nah! Ang talagang pinaghandaan ko ng bongga! Ang Exact Differential Equations! Alam kong sa una magulo talaga ang solution dito sa DE na ito, pero pag nakuha mo na yung technique ok nah. Edi syempre inexplain ko ng bonggang bongga! Pano yung test for exactness. Pano yung mismong procedure kung pano gawin. Eto ang summary ng mga sinabi ko:
  1. Test for Exactness. If the Partial derivative of M with respect to (wrt) y is equal to the partial derivative of N wrt x, then it is exact! Proceed to Step 2.
  2. Get the partial integral of M wrt x. Don’t forget to write B(y) instead of an arbitrary constant. Let’s call this new equation as U.
  3. Get the partial derivative of U wrt y. Derivative of B(y) = B’(y). Let’s call this equation dU.
  4. Equate dU with N and simplify the equation.
  5. Get the partial integral wrt y after simplification. Integral of B’(y) = B(y).
  6. Substitute the value of B(y) in Equation U and that is the final answer.
Pag yan hindi pa nya naintindihan ewan ko nah! Whahahah!
Photobucket tama yung sagot namin!
Humirit pa si Bunso! Pati Mechanics daw! Wow! Impromptu itu! Pinasolve nya saken yung ilang mga numbers. More on triangular system tapos may Moments na given, kelangan mo isolve yung acting force P. Buti nalang nakakaen ako nun at nakakapag-isip ng maayos. Sabi ko nga sa kanya, Physics lang yun, kelangan mo lang mag-isip deeper. Kelangan talaga may baon ka langing common sense. Inexplain na sayo yung mga properties sa Moments (like pag dumaan yung force dun sa point Moment is zero, ganun), kelangan mo nalang alam kung kelan mo yun iaapply.
Photobucket
Infairness naman saken, nasagot ko ng tama ah! Tinignan ko yung sagot sa likod at tama yung analysis ko! My gosh! Deserving nga talaga ako sa license ko! Chos! Wahahahha!
Photobucket woohoo!!! wala pa din akong kupas!
After nun, napagpasyahan na naming umuwi. Dadaan pa daw syang church, ako may Challenge 21 game pako pag uwe. Nung nakauwe nako, tinext ko lang sya na nakauwe nako at mag-ingat sya pag uwe. Nagreply sya…
Thanks ulit nay
^_^
Photobucket Love na love ko talaga tong si Bunso
Photobucket