"Mahal na mahal ko ang Bhebe ko..."
Yun lang ang nasa isip ko araw araw. Mahal na mahal na mahal ko sya...
Dyosa:
"Bhe, kelan nga ulet naging tayo?"
Bhe:
"Yun nga din tanong ko sayo eh."
Dyosa:
"hmmmp... 15 nalang bhe. Yun naman din yun unang beses na sinabi ko sayong gusto kita"
Bhe:
"sige bhe... 15 nalang... I love you!!!"
Hindi ko din alam kung anung pumasok sa isip ko. Ang unang plano ko talaga eh maging laro lang ang lahat. Ang sabi ko sa sarili ko eh hindi ako kailan man maiinlove ulet sa straight. Naramdaman ko na masaktan ng lubos dahil sa pagmamahal sa lalaking ginamit lang ako. Bukod pa dun, alam kong may girlfriend sya. Kaya alam kong hindi magiging totoo ang lahat ng sasabihin nya patungkol sa pagmamahal nya saken.
Pero eto ako ngayon, kinakain lahat ng sinasabi ko. Mahal na mahal ko na ang lalaking tinatawag ko at tinatawag akong
BHE...
Yes mga kapatid. Isa po akong kabit. AT PROUD AKO DUN!!! Dahil alam ko at nararamdaman ko mahal nya rin ako. Dumating na ako sa punto na syempre nagdalawang isip ako patungkol sa pagmamahal nya. Pero time and time again napatunayan nyang mahal nya din ako.
Dyosa:
"Bhe mahal mo ba talaga ako?"
Bhe:
"Ou naman!!! Mahal kita dahil sa taglay mong pambihira! Hindi dahil sa mga materyal na bagay na binibigay mo."
Dyosa:
"Eh bat hindi ko maramdaman?"
Bhe:
"Napaiyak mo ako bhe... Hindi ko na alam kung pano ko pa ipaparamdam. Basta mahal kita... Maniwala ka..."
Isang cap na mamahalin ang binili ko para sa kanya. Tuwang tuwa talaga sya sa regalo kong yun. At nung sinuot nya, bagay na bagay naman talaga sa kanya. Hindi ako nanghihinayang nung binili ko yung cap na yun para sa kanya. Dugo't pawis (as in super dmaing pawis dahil ang init sa linya) ang pinuhunan ko dun. At nung nakita kong suot nya, at tuwang tuwa sya, wala na... It made my day!
Dyosa:
"Bhe, iwan kong bukas yung bahay ko, kunin mo nalang yung cap mo dito. Ilock mo nalang po. Kaw napo bahala."
Bhe:
"O sige bhe, ingat ka po pag pasok."
after a while...
Dyosa:
"Bhe, nakita mo napo? Nakaalis ka na po ba?"
Bhe:
"Bhe, andito pa po ako sa bahay mo. Grabeh bhe, ang dumi ng bahay mo! Yuck!"
Dyosa:
"Hindi naman! yung kitchen lang! Eh sa wala akong time eh hirap kaya maging supervisor!"
Bhe:
"Pati bhe yung CR mo! Yuck!"
Dyosa:
"O sige na! Madumi nah! whahahha!"
Matapos ang mahabang half day...
Bhe:
"Bhe, kakaalis ko lang sa bahay mo. Nilinis ko po. Nilock ko na din po. Uwi na po akong Manila. I love you!!!"
Nang binuksan ko ang bahay ko, Nagulat ako sa sobrang linis ng bahay ko! Sa totoo lang kinilig ako! This is the first time na pinagsilbihan ako ng taong mahal ko. AYoko na ngang magluto kasi ang linis talaga ng kitchen ko! At sa simula nun, binigay ko na ang buhay ko sa kanya....
Just recently, nalagpasan namin ng Bhebe ko ang isang big hurdle sa relationship namin. Meron akong ginawa na I'm not so proud of. Hanggang ngayon naguiguilty pa rin ako sa ginawa ko. Pero dahil dun, nalaman ko ang isang bagay sa tungkol sa Bhebe ko. Pero kahit pa nalaman ko yun, hindi sumagi sa isip ko na iwan ko sya. Tutulungan ko sya. Dahil mahal na mahal ko sya. Nagpapasalamat ako dahil nagawa akong patawarin ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko sya iiwan. Kahit anu pang sabihin ng iba. Mahal na mahal ko sya... Ang Bhehe ko...
Para sayo to Bhebe ko!