Nakakamiss yung show na Lipgloss na show ng TV5 dati nung nagrevamp sila. Gusto ko sya kasi mature yung portrayal nung mga situations ng teenage years. Hindi yung mga patweetums na normally portrayed sa mga Teen-oriented shows. Kaya sana ibalik nila yung ganyan. Nakakasuka na kasi yung mga patweetums effect eh. \
Gusto ko yung may maturity yung mga characters. Super like ko yung character na si Edge played by Kevin Lapeña. From season 1 to season 4 makikit amo yung change sa buhay nya. Nagiging mas responsible sya pero still in that carefree teenage boy persona. Siguro fueled din na super eye candy si Kevin Lapeña, pero still, ang ganda kasi nung story, character conceptualization and character developments.
May character na dancer sa isang bar, merong ikakasal at such a young age tapos yung mapapangasawa nya gay pala, may mga namatay in such a brutal manner (may sumabog na granada sa kasal ni Meg at Jake), may teacher-student relationship (una ko pong nakita si Louise delos Reyes aka Alakdana dito sa Lipgloss), may princess-non-royal relationship (si Edge at si Princess Ava played by Lovi Poe), may amo-boy relationship (dito ko unang nakitang umarte si Neil Coleta).
Haaaay sana ibalik nila yung ganyan. Andami kasing flavor eh. Hindi sya yung typical show kaya maganda.