Hanggang sa may pumutok na naman na balita na natanggap na sya sa inaapplyan nya. IMS Engineer pako nun. Syempre twing dadaan ako sa munting building nila dahil sa nature ng trabaho ko, lagi akong nag-a-ala Inday Badiday dahil sa kakatanong ng mga questions about it. I swear! Daig pa ang External Audit sa mga pinagtatanong ko!
At dumating na nga yung matagal na yun na sinasabi ni Kuya Jarnie. Pumutok na ang balita na nagresign na nga sya. Ginagawa ko pa nun yung dokumento nun nakailangan ko makipag-usap lagi sa Department Manager nya. Dahil always waiting in line ang peg ko sa dami ng kameeting ni Madam manager, naririnig ko yung mga information about it.
“Luchie, schedule mo nga si Jarnie ng Exit Interview saken.”
Natutulala ako nung narinig ko yun. Eksenang nag-Time Space Warp ako nung mga oras na yun… isa lang kasi ang ibig sabihin ng Exit Interview… Confeeeeeermed na nagresign na nga sya. Confeeeeeermed na aalis na nga si Kuya Jarnie.
Nung nag-Return from the Different Dimension nako, nagpaalam ako na babalik nalang ako. Ang totoo kasi nun, tutulo na yung luha ko. A big part of me was wallowing in despair with the realization na aalis na nga ang Kuya Jarnie ko. Gustuhin ko man nun na tumakbo palayo, office hours pa eh, bawal pa umeksena ng drama at baka maawardan ako ng Best Actress.
Friday. Uwian pa-Manila. Last day of the week, but for me last day na andyan si Kuya Jarnie. Yung coming Sunday kasi na yun eh last day na nya sa company. Hindi ako makapagconcentrate nung araw na yun. I was ambivalent kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi. I ended up just staring on my laptop’s monitor kasi wala ang diwa ko sa buong araw na yun. In the end, I chose not to see him, hindi naman na dahil sa may pagka-masochist ako noh but I just don’t want him to see me crying. I wanted him to remember me as the cheerful Whil that he knows.
The following day, Saturday, wala akong ginawa buong magdamag kundi umiyak. Iyak ako ng iyak. I can’t help it eh. The tears just kept flowing. Parang flash flood sa Espanya sa may UST, ganun. Dun lang siguro nagsettle saken na wala na si Kuya Jarnie. Na pagbalik ko ng office, hindi ko na sya makikita…
Wala nang magsasabi saken ng: “Hi sexy Whil!” Bolero eh noh?
Wala nang magrereply sa email ko ng “Wow naman! Ang ganda naman!” pag may pakulo akong ginawa na sinesend to all sa email.
Wala na akong pagrereportan ng mga nakikita kong potential hazards pag mag-Tankage Inventory.
Wala na yung inspiration ko to continue striving hard despite all the downsides of being an IMS Engineer. That little speck of inspiration was enough to keep me going kahit na ayaw ko na talaga.
Wala na…
Wala na yung Kuya Jarnie ko…
Ngayon nga lang na sinusulat ko to… Lumuluha ako. Basang basa na yung kumot sa tabi ko kasi I am relieving the loneliness that I felt nung kasagsagan nung scenario na yun. Oo with matching uhog. Ngawngaw much. Kaw ba naman kasi mawalan ng Kuya sa Refinery. Yun kasi sya saken eh. Kuya. As in KUYA talaga. Opo. Yung top eligible bachelor ng Refinery na husband material ay Kuya lang para saken. Kuyazooooooooooone.
For a change kasi, I was not expected to take care him… kasi for a change, I was “the little sister”… I was allowed to be childlike. I was not guarded in what I am saying. I was simply being me pag andun ako sa office nila at nakaupo ako sa upuan sa harap ng table nya. Nag-uubos ng oras dun pag stressed na stressed na ako sa IMS office. Defenses down. Barrier Zero Percent. Yung feeling ko eh babae ako because he treats me that way. Heck! Even my own older brothers don’t treat me that way! Yung feeling of relief kasi feel na feel kong safe na safe ako sa office nila kasi andun sya.
Hindi man lang nya naabutan nung nalipat ako sa HR Training. Hindi man lang nya naabutan na masaya nako ngayon sa posisyon ko. Na masayang masaya na akong natatrabaho ulet. Di na nya makikita yung mga gagawin ko pa na projects, designs, at events na pinagbubutihan ko talaga. Highest level of effort lagi.
Sa ngayon, masasabi kong di pa ako talaga nakakaget-over pa sa pag-alis ni Kuya Jarnie. Eh sa matagal ako mag-move on eh. Bakit ba? Kanina nga lang eh nung nagsend ako ng invite sa Zumba, I was still half expecting na magrereply sya sa invite ko ng joke or good job. Nung birthday nya, I sent him a caricature photo with his head embossed sa isang guy na nagigitara. Nagustuhan naman daw nya.
May isa pa ngang time na I was thinking out loud at nasabi kong “Namimiss ko si Kuya Jarnie” and lo and behold! Paglabas ko ng office namin, ayun sya naglalakad palapit sa akin! I froze with matching jaw drop with my phantom mouth. Nung malapit na sya saken at kinausap nya ako, I covered my eyes with my arm. Sabi ko na nga ba, iiyak ako pag nakita ko sya. Hindi naman hagulgol ang ginawa ko. Just teary eyed na nakita ko sya ulet. Binigyan pa nga nya ako ng isang box ng chocolate. Pasalubong nya daw saken. But I had a feeling na hindi na nya naibigay yun sa dapat nyang pagbigyan pero I still accepted it wholeheartedly. Actually, nasa drawer ko pa din yun. Hopefully hindi ako maunahan ng mga langgam sa pagkain nun.
Anyhoo siguro, it will be healthier for me to disengage myself from him. At etong blog na ito ang simula ng process na yun. Writing has always been my outlet. Maybe I just wanted to preserve the experience, the memory, and the emotions than I had before moving on from this part of my life. After all, he’s having the time of his life+ now. But of course, Kuya Jarnie will always have a place in my heart. Always.