Medyo late na ito pero masaya talagang magblog ng mga subjects namin. SO eto na po ang huling hirit ko. This should be our last sem kya here are the last subjects that we're going to take!

Process Control Lecture
This subject is about sa pag design ng isang control center. Parang with a single change in a computer sa loob ng control center macocontrol mo na ang isang plant vs manual controls na iikot mo ang isang valve, etc. At! Si Sir Andrew Tengkiat ang prof ko dito! Haru dyos ko! Sana naman ay pumasa ako! Puro Laplace daw yung gagawin namin. Kasi nga mathematical modeling chorva etong subject na ito. Goodluck saken!

Process Control Lab
So dito naman sa subject na ito matututo kaming gumawa ng Process and Instrumentation Diagram or P&ID. Tsaka dito din namin mararanasan yung hands on na paghawak dun sa ilang equipment. Si Sir Francis Benjamin and prof namin dito. 1st time ko sya magiging prof.

Plant Design and Economics
Huling Hirit mula kay Ma'am Evie Laurito! This subject as she mentioned is the capping subject of all the Chemical Engineering Subjects. Kumbaga, eto na ang tuktok ng umbrella. dito na magcocoincide lahat ng natutunan namin sa limang taon ng paghihirap. As the name suggest, we are to design a chemical process plant. Tapos lahat ng napag-aralan namin na unit operations and other calculations dapat namin iintegrate. Magaling naman ako magcomputer apps, kakayanin to!

Biochemical Engineering
Una ko syang naging prof nung 1st year ako, at eto nanaman sya prof ko sya ulet ngayon 5th year, Si Ma'am Benedicta Alava. Actually, wala akong masyadong clear idea kung ano yung pag-aaralan namin dito sa subject na ito. Pero sabi study Organic Chemistry and Biology. Tas medyo nagintro si Ma'am About genetic engineering, DNA, RNA etc. Feeling ko this subject is going to be interesting!

Unit Operations 4 Lecture and Lab
Mass Transfer and applications. Yan I think ang other name ng subject na ito. Dahil puro diffusion ang topic namin. So far medyo madali pah. Pero I'm sure hihirap yan. Unit 4 eh. Anyhoo, ang prof ko dito ay Si Dean Abet Laurito. Ay nko! Laurito family! Mag-aaral akong mabuti! Dahil pinasa ako ni Sir sa Kinetics kahit na dapat bagsak ako! At Si Ma'am Glai Tanguilan ang prof sa lab! Ang swerte!

Chemical Engineering Lab 2
Ang aming bagong Chair na si Ma'am Philip Marcelo ang prof ko dito. Continuation lang ito ng last time. Kakayanin ko to. Syempre unit operations nanaman ang experiment namin. Anu anu kaya yun?

Computer Applications
Si Sir Benja ulet! Panis lang to! Excel, MathCad and Visio yung pag-aaralan namin applications. Wala to! Flat 1!

Equipment Design
Hindi lang isa ang Tengkiat! Twice ko sya prof! Sya din ang prof ko sa Equipment design! Dito naman, pag-iisipan kung paano gagawin ang mga equipment sa planta. So trabaho rin pla namin yun. So goodluck!

Haru naman tong 5th year 2nd sem! Twice Tenki, plus the Laurito Family! Kamusta naman! Goodluck!
Photobucket