Photobucket


Ay ang winner netong indie na to! nadaan lang ako sa Isetann ng nakita ko sya at nagdecide agad akong panoorin na sya! In general, masasabi kong pawang katotohanan lamang ang mapapanood mo sa indie film na ito. Ang SRO ay tungkol sa mga taong nag-tatrabaho sa isang small time moviehouse na puro sexy films ang pinapanood. At dahil run down nga yon, hindi yun puntahan ng "matinong" tao. Normally, ang mga tao dun ay hindi pumupunta para manood ng sine kundi manood ng mga kababalaghan na nangyayari dun o makitikim din. It centers on the 3 guys whose name's first name forms SRO. Si Sonny (Rain javier), ang dating pinagkakaguluhan bago dumating si Roldan (Kristoffer King) na mas bata at si Oscar (Charles Delgado) na dating taga-linis lang ng CR sa sinehan at napromote to full-fledged pokpok. Kasama din sa cast si Sheree na gumanap bilang babaing tagabate, si Ana Capri na gumanap bilang isang bulag na tindera ng sarisari store sa sinehan, at si Paolo Rivero, bilang lover ng mga shokpok and pulis na nagreraid.

Gusto ko tong film na ito kasi talaga namang tama yung pagkadepict nya sa reality na yun. Nakakatuwa din na may pinasok na minor plot which is yung buhay nina Sheree and Ana. Basta may nireveal na truth sa dulo kung baket parang naging powerful si Oscar. Ang ganda!

Crush ko na si Charles Delgado. hindi sya gwapo at first glance pero habang tinititigan mo, parang ang yummy! hihi!
Photobucket